Archive Page

TUNGKOL SA THYROID

Abril 7th, 2022 | admin |

Ang thyroid gland ay isang organ na hugis-paruparo sa baba ng ating leeg, sa harap ng ating windpipe. Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo, at mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa ating kalusugan.1,2 Ito ang gumagawa, nag-iimbak, at nagpapakawala ng thyroid hormone sa dugo, sa ganito’y napapangasiwaan ang metabolismo.2 Ang hormone na ito’y mahalaga para sa maayos na takbo ng lahat ng tissue at organ ng katawan.3 Ginagawa nitong mahusay ang paggamit ng ating katawan sa ating imbakan ng enerhiya, nang makontrol ang ating temperatura, at upang maging maayos ang trabaho ng ating mga kalamnan (muscle).3


SINO ANG NASA PANGANIB?

Ang sakit sa thyroid ay napakakaraniwan na sa buong mundo, lalo na sa kababaihan.4 Hindi pa buong nauunawaan kung bakit mas nasa panganib ang mga babae kaysa sa mga lalaki, ngunit hindi lamang sila ang mas posibleng magkaroon ng problema sa thyroid, sila rin ang mas posibleng maagang magkaroon nito sa buhay.4

Ilang mga bahagi sa buhay ng isang babae kung kailan siya mas madaling magkaroon ng problema sa thyroid.

Kabilang dito ang:4

Anuman ang iyong kasarian, ikaw ay nasa panganib ng sakit sa thyroid kung ikaw ay:4

Ang mga taong sumailalim sa radiation treatment o na-expose ang mga leeg sa X-ray ay mas posible ring magkaroon ng problema sa thyroid.4

  1. American Thyroid Association. Thyroid blood tests and general well-being, mood and brain function. Available at http://www.thyroid.org/patient-thyroid-information/ct-for-patients/august-2016/vol-9-issue-8-p-8-9/. Last accessed February 2022
  2. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hyperthyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  3. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hypothyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  4. Everyday Health. Are you at risk for thyroid disease? Available at http://www.everydayhealth.com/thyroid-conditions/evaluating-your-thyroid-disease-risk.aspx. Last accessed February 2022

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

EPEKTO NG KAKULANGAN SA IODINE

Abril 7th, 2022 | admin |

Ang sakit sa thyroid ang ilan sa mga pinakamadalas na karamdaman sa mundo, na mayroong 1.6 bilyong tao ang nalalagay sa panganib.1 Ang iodine ay mahalagang bahagi ng thyroid hormone at ito’y importanteng factor sa pagkakaroon ng hypothyroidism (underactive thyroid) at hyperthyroidism (overactive thyroid).1 Kapag hindi sapat ang iodine, maaari itong magbunga ng hypothyroidism, cretinism at ibang sakit dahil sa kulang sa iodine. Sa kabilang banda, ang labis na pagkonsumo ng iodine ay maaaring mauwi sa hyperthyroidism.1


Bakit importante ang iodine?

Ang iodine ay mahalaga para sa produksiyon ng thyroid hormone, para sa fetal at infant development, at ito’y isang kritikal na nutrient para sa ating maayos na kalusugan sa lahat ng yugto ng ating buhay.2 Sa dahilang hindi nakagagawa ng iodine ang ating katawan, regular dapat itong sinusuplayan sa pamamagitan ng isang malusog na diet.2 Ang kakulangan sa iodine ay umiiral sa halos 54 na bansa sa buong mundo, ayon sa isang ulat ng World Health Organization (WHO).3 Ang iodine ay mahalagang bahagi sa produksiyon ng mga thyroid hormone na thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3).4 Tumutulong ang thyroid hormone sa ating katawan upang lubusang gamitin ang enerhiya, panatilihin ang init ng katawan, at ipagpatuloy ang nararapat na pagtakbo ng utak, puso, muscle at iba pang organ.5 Ang thyroid hormone at gayundin ang iodine ay mahalaga sa paglaki ng fetus, pagtubo ng buto at pagbuo ng utak.2 Ayon sa WHO, ang kulang na pagkonsumo ng iodine ang isa sa pinakakaraniwang maaaring iwasan na dahilan ng mental retardation.3  

Isang global na kampanya upang mag-iodize ng suplay ng asin sa halos lahat ng bansa ang nagresulta sa tinatayang 68% ng mga household ang ngayo’y gumagamit na ng iodized salt.6 Bago pa ang kampanyang ito, tinatayang 2 bilyon na tao ang nagpakita ng kakulangan sa iodine dahil sa pagkakaroon ng goiter noong 2005 datapwat ang aktuwal na bilang ay 700 na milyon, sa gayo’y nailigtas ang 1.3 bilyon na tao mula sa sakit na ito.6 Sa kabila nito, tinatayang 40% ng global na populasyon ang nananatiling nasa panganib ng kakulangan sa iodine.7

Gaano karaming iodine ang iyong kailangan?

Isang kutsarita ng iodine ay sapat na para sa kabuoan ng iyong buhay; gayumpaman, hindi nakapag-iimbak ng iodine ang ating katawan nang matagal, kailangan natin ang mga munting pagkonsumo nito nang regular.2 Karamihan sa atin ay nakapagkokonsumo ng maraming iodine na walang iniindang masamang epekto. Ang pagkonsumo ng 1,000 micrograms kada araw ay maaaring makapinsala.2

Ang pang-araw-araw na kailangang iodine ay nagbabago sa buhay ng isang tao:4

Tala: Ang mga sanggol ay mas posibleng nasa panganib ng kakulangan sa iodine dahil ang relasyon ng pangangailangan nila para sa iodine at thyroid hormone at sa kanilang timbang ay mas mahalaga kaysa sa iba pang yugto ng buhay.8 Hindi rekomendado na bigyan ang mga sanggol ng karagdagang asin at sa gayo’y umaasa sila sa kanilang mga ina bilang pinagkukuhanan nila ng iodine. Samakatwid, nirerekomenda ng American Thyroid Association (ATA) na lahat ng nagpapasusong ina’y magkonsumo ng supplement na hindi bababa sa 150 micrograms kada araw, kasabay ang ibang pinagkukuhanan ng iodine, upang seguruhin na kapwa ang ina at ang sanggol ay maaabot ang kani-kaniyang pang-araw-araw na kailangang iodine, ayon sa nakasaad sa taas.9

Kapag ikaw ay may planong magkaanak, unahin ang iodine

Kapag ikaw ay may planong magkaanak o ikaw ay buntis o ikaw ay nagpapasuso, kailangan mong unahin sa iyong diet ang pagkonsumo ng iodine.2,4 Kahit ang kaunting kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring may epekto sa paglaki at pagpapanganak ng sanggol. Ang seryosong kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring magresulta sa abortion (makunan) o stillbirth.3 Maaari rin itong magresulta sa congenital abnormalities tulad ng cretinism, na isang seryoso’t hindi na maibabalik pang anyo ng mental retardation.3 Ang mas laganap, ngunit mas hindi nakikita, na epekto ng kakulangan sa iodine ay ang kabawasan sa pag-iisip na maaaring makaapekto ng buhay sa tahanan, sa pag-aaral at sa trabaho.3

Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa kung anong mga supplement ang makatutulong sa iyo, at anong mga supplement sa iodine ang iyong kailangan.

Paano matutustosan ang kailangan mong iodine

Ang seafood o pagkaing-dagat ay isang mainam na pinagkukuhanan dahil ang karagatan ay mayaman sa iodine.2 Bagaman mas mababa ang iodine sa karamihan ng pagkaing-dagat, ang itlog, karne at mga produktong dairy ay mas mayaman kaysa sa mga pagkaing mula sa halaman.2 Anumang asin na gamit sa bahay ay kailangang iodized.2 Upang seguruhin ang tamang pagkonsumo ng mga sanggol habang nasa weaning period, dapat ikonsidera ang laman na iodine ng mga lutong-bahay o komersiyal na complementary formula/pagkain.8

Mga karaniwang pinagkukuhanan ng pang-diet na iodine:7

Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang kakulangan sa iodine ay ang pangmatagalan na pagkonsumo ng diet supplement na may iodized salt, ang rekomendadong estratehiya ng WHO: Nirerekomenda ng WHO ang pagkonsumo ng asin na mas mababa sa 5 grams kada araw (katumbas halos ng 1 kutsarita ng asin kada araw) upang maiwasan ang sakit sa puso.10 Ang isang kutsarita ng iodized salt ay naglalaman ng halos 400 micrograms ng iodine.7 Upang matustosan ang kabuoang pangangailangan ng iodine ay hindi ka dapat kumain ng mas maraming asin, ngunit dapat kang kumonsumo ng ibang pagkaing mayaman sa iodine.2

Ang kakulangan sa iodine at ang resulta nito sa kalusugan

Ang chronic iodine deficiency o pabalik-balik na kakulangan sa iodine ay maaaring makasama sa iyong kalusugan.7 Ang kakulangan sa iodine ay magbubunga ng mas kaunting thyroid hormone at ito ang pinakakaraniwang sanhi ng underactive thyroid (hypothyroidism).1,7 Ang nakikita’t tiyak na epekto ng kakulangan sa iodine ay ang paglaki ng thyroid, na kilala bilang goiter.7 Upang maiwasan ang seryosong resulta sa kalusugan ay importanteng kilalanin nang maaga ang mga sintomas ng kakulangan sa iodine.

Magbasa pa dito at alamin kung paano nabubuo ang goiter at ang mga nodule — at kung paano rin kilalanin at gamutin ang mga ito.

Ang mga sumusunod na sintomas ay maaaring magpahiwatig ng kakulangan sa iodine:5,7

Sa mga bata:

Ang mga pinakaseryosong resulta ng kakulangan sa iodine ay nangyayari sa mga babaeng buntis o nagpapasuso at sa mga bata. Ang tamang dami ng iodine, at ang gayong sapat na thyroid hormone, ay mahalaga para sa normal na paglaki ng ating utak at nervous system. Ang pinakaseryosong sakit na dulot ng kakulangan sa iodine habang buntis ay cretinism, isang kondisyon ng nabansot na pisikal at mental na paglaki. Ngunit kahit ang kakaunting kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring maiugnay sa mababang pag-iisip sa mga bata.7

Ang sapat na iodine ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang mga komplikasyon, gayundin ang ibang bagay tulad ng stillbirth, ang makunan o kakulangan sa paglaki.7

Mga kapakipakinabang na website

http://www.iccidd.org

Ang International Council for the Control of Iodine Deficiency Disorders (ICCIDD) ay isang non-profit, non-government na organisasyon para sa matatag na pagpuksa ng kakulangan sa iodine at ang pagpapalaganap ng optimal na nutrisyong iodine sa buong mundo.

http://www.unicef.org/progressforchildren/2007n6/index_41509.htm

Ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang naglalathala ng “Progress for Children”, isang statistical review na nagdodokumento sa progreso tungo sa “Millennium Development Goals”.

http://www.thyroid.org/patients/patient_brochures/iodine_deficiency.html

Impormasyon sa pasyente tungkol sa thyroid health na inilathala ng ATA

  1. Khan A, Khan MM, Akhtar S. Thyroid disorders, etiology and prevalence. J Med Sci 2002; 2: 89–94. http://www.scialert.net/fulltext/?doi=jms.2002.89.94&org=11. Last accessed February 2022
  2. Nutrition Australia. Nutrition fact sheet: iodine. Available at hhttps://nutritionaustralia.org/app/uploads/2020/05/Iodine_Printable-Detailed-Summary.pdf . Last accessed February 2022
  3. World Health Organization. Micronutrient deficiencies. Available at http://www.who.int/nutrition/topics/idd/en/. Last accessed February 2022
  4. Institute of Medicine of the National Academies. Dietary reference intakes for vitamin A, vitamin K, arsenic, boron, chromium, copper, iodine, iron, manganese, molybdenum, nickel, silicon, vanadium, and zinc. Washington, DC: National Academy Press, 2001.
  5. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hypothyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  6. United Nations. Sixth report on the world nutrition situation. Available at http://www.unscn.org/files/Publications/RWNS6/report/SCN_report.pdf. Last accessed February 2022
  7. American Thyroid Association. Iodine deficiency. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/IodineDeficiency_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  8. Zimmermann M. Low iodine intakes in weaning infants. IDD Newsletter 2010; 38: 1–3. Available at http://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download?doi=10.1.1.187.3644&rep=rep1&type=pdf. Last accessed February 2022
  9. American Thyroid Association. American Thyroid Association (ATA) issues statement on the potential risks of excess iodine ingestion and exposure. Available at http://www.thyroid.org/american-thyroid-association-ata-issues-statement-on-the-potential-risks-of-excess-iodine-ingestion-and-exposure/. Last accessed February 2022
  10. World Health Organization. Unhealthy diet. Available at http://www.who.int/gho/ncd/risk_factors/unhealthy_diet_text/en/index.html. Last accessed February 2022
  11. World Health Organization. Is it true that lack of iodine really causes brain damage? Available at http://www.who.int/features/qa/17/en/. Last accessed February 2022
  12. Qian M, Wang D, Watkins WE et al. The effects of iodine on intelligence in children: a meta-analysis of studies conducted in China. Asia Pac J Clin Nutr 2005; 14: 32–42

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

TUNGKOL SA HYPERTHYROIDISM

Abril 7th, 2022 | admin |

Ang hyperthyroidism, o isang overactive thyroid, ay nangyayari kapag gumagawa at nagpapakawala ang gland ng labis na thyroid hormone sa dugo, pinabibilis nito ang metabolismo.1 Ito ay madalas namamana sa pamilya, pinakakaraniwang nangyayari sa mga babaeng kabataan.1 Nakadidismayang isipin, kaunti pa lamang ang nauunawaan kung bakit ang mga partikular na indibidwal na ito ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon.1


Kung may iniindang kang hyperthyroidism, mapapansin mong nabawasan ang iyong timbang, kahit pa normal ang iyong pagkain o kahit pa mas marami kaysa sa dati.1 Makararamdam ka rin ng mabilis na tibok ng puso.1

Mga pangunahing sintomas ng hyperthyroidism

Bantayan ang mga sumusunod na sintomas:1,2

Mahalagang gamutin agad ang mga sintomas ng hyperthyroidism dahil sa banta ng mga seryong komplikasyon. Idagdag pa, ang hyperthyroidism ay nagpapataas ng risk para sa osteoporosis (pagkawala ng bone mass) at mga pilay sa buto, ang mga babaeng dumanas na ng menopause ang mas higit na nasa panganib.4

Hindi lamang ang mga sintomas ang buong makapagsasabi kung mayroon ka nang hyperthyroidism; kailangan ang mga pisikal na eksamen at mga blood test.

Sino ang nasa panganib?

Pagsuri ng sakit sa thyroid

Maaaring makumpirma ng iyong doktor ang sakit sa thyroid sa pamamagitan ng isang simpleng blood test upang suriin ang level ng thyroid-stimulating hormone (TSH) at ng thyroid hormone sa iyong dugo.1

Kung ikaw ay nag-aalala na maaaring may problema ka sa iyong thyroid gland, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas, o subukan ang aming maikling symptom checker para sa sakit sa thyroid.

Paano ginagamot ang hyperthyroidism

Ayon sa uri ng hyperthyroidism, iyong edad at health status, at kung gaano na kaseryoso ang over-activity ng iyong thyroid, pipili ang iyong doktor ng paggamot na nababagay sa iyo.

May mga anti-thyroid na gamot na pumipigil sa thyroid gland na gumawa ng mga bagong thyroid hormone.1 Isang alternatibo ang paglusaw sa thyroid tissue gamit ang radioactive iodine o sa pamamagitan ng operasyon upang tanggalin ang ilang bahagi o ang buong thyroid gland.1 Pagkaraan ay maaari nang gamutin ang hypothyroidism ng angkop na medikasyon.1,7

Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa iyong puso

Ang puso ay isang pangunahing target ng thyroid hormone. Anumang pagbabago sa level ng thyroid hormone ay tinutugonan ng puso.

Ang labis na thyroid hormone na resulta ng isang overactive thyroid (hyperthyroidism) ay maaaring magdulot ng:8

Kung hindi gagamutin, ang isang under- o overactive thyroid ay lalala o pabibilisin ang anumang pre-existing na sakit sa puso o maging sanhi ng mga bagong kondisyon.

Nakaaapekto ang mild hyperthyroidism sa puso ng matatanda

Makikita ang mild hyperthyroidism sa 0.7–12.4% ng populasyon.9 Ang mga pasyenteng may overactive thyroid ay mailalagay sa dalawang kategorya: ang mga pasyenteng may mababa ngunit nadedetek ang TSH values at ang mga pasyenteng hindi nadedetek ang TSH values.10 Ang mga pasyenteng hindi nadedetek ang TSH ay mas nalalagay sa panganib na magkaroon ng problema sa puso tulad ng atrial fibrillation, na isang arrhythmia na may magulong pagtibok na nagdudulot ng hirap na sirkulasyon ng dugo. Ito ay madalas na nakikita sa matatanda na nahuli na ang pagsusuri at may pre-existing na sakit sa puso.9

Nirerekomenda ng US guidelines na ang mga pasyenteng higit na ang edad sa 60 at may hindi nadedetek na TSH values ay dapat nang gamutin.10 Para sa mga mas batang pasyente na walang sintomas, masugid na pagbabantay ang nababagay.10

  1. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. 2014. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hyperthyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022.
  2. Hyperthyroidism symptoms. Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/hyperthyroidism/hyperthyroidism-symptoms. Last accessed February 2022
  3. American Thyroid Association. Clinical thyroidology for the public: hyperthyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/publications/ctfp/volume7/issue8/ct_public_v78_5_6.pdf. Last accessed February 2022
  4. British Thyroid Foundation. Thyroid disorders and osteoporosis. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/leaflets/30-thyroid-disorders-and-osteoporosis-guide. Last accessed February 2022
  5. Everyday Health. Are you at risk for thyroid disease?. Available at http://www.everydayhealth.com/thyroid-conditions/evaluating-your-thyroid-disease-risk.aspx. Last accessed February 2022
  6. Hyperthyroidism. Available at http://patient.info/doctor/hyperthyroidism. Last accessed February 2022
  7. NHS Choices. Underactive thyroid (hypothyroidism) — treatment. Available at http://www.nhs.uk/Conditions/Thyroid-under-active/Pages/Treatment.aspx. Last accessed February 2022
  8. Thyroid Foundation of Canada. The heart and the thyroid gland. Available at https://thyroid.ca/resource-material/information-on-thyroid-disease/hyperthyroidism-thyrotoxicosis/. Last accessed February 2022
  9. Biondi B, Cooper DS. The clinical significance of subclinical thyroid dysfunction. Endocr Rev 2008; 29: 76–131.
  10. Bahn RS, Burch HB, Cooper DS et al. Hyperthyroidism and other causes of thyrotoxicosis: management guidelines of the American Thyroid Association and American Association of Clinical Endocrinologists. Endocr Pract 2011; 17: 456–520

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

TUNGKOL SA HYPOTHYROIDISM

Abril 7th, 2022 | admin |

Ang hypothyroidism, o ang isang underactive thyroid gland, ay isang karaniwang kondisyon.1 Ito ang resulta kapag hindi nakagagawa ng sapat na thyroid hormone ang thyroid gland. Ang mababang produksiyon na ito ng hormone ang nagpapabagal sa metabolismo ng katawan, kadalasang nakararamdam ng panlalamig ang mga pasyente, pagod at may depresyon.2 Kung ika’y may iniindang hypothyroidism ay mapapansin mong nadagdagan ang iyong timbang, kahit pa may sinusunod kang maayos na diet at nag-eehersisyo ka nang regular.1


Mga pangunahing sintomas ng hypothyroidism

Ang mga sintomas ng hypothyroidism na hindi kaaya-aya at maaaring makaapekto sa pagpapahalaga sa sarili, sa trabaho, at sa buhay sa tahanan at pamilya ng isang tao.

Mga kabilang na sintomas:

Kung pababayaan, ang hypothyroidism ay maaaring magdulot ng mas seryosong komplikasyon at maaari pang ikamatay. Kabilang sa matitinding komplikasyon ng hypothyroidism:

Sino ang nasa panganib?

Pagsuri ng sakit sa thyroid

Maraming tao ang hindi nagpapasuri ng problema sa thyroid at nagtitiis nang mahabang panahon dahil napagkakamalan ang kanilang mga sintomas na para sa ibang mga kondisyon, tulad ng depresyon o pagdagdag sa timbang.6 Ang sakit sa thyroid ay maaaring makumpirma ng iyong doktor sa pamamagitan ng isang simpleng blood test.6

Kung ikaw ay nag-aalala na maaaring may problema ka sa iyong thyroid gland, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas, o sagutan ang aming maikling symptom checker para sa sakit sa thyroid.

Paano ginagamot ang hypothyroidism

Ang paggamot sa sakit sa thyroid ay simple, matagal nang ginagawa, at napaka-epektibo.6 Dahil wala pang lunas para sa hypothyroidism, ang layon ng paggamot ay palitan ang mga nawawalang thyroid hormone sa ating katawan.6 Ang angkop na medikasyon, kung araw-araw ang pagkonsumo, ay magbibigay ng kakayahan sa mga pasyente na mamuhay nang walang anumang sintomas.6

Kung ikaw ay nasuring mayroon nang hypothyroidism, importanteng tandaan na ang paggamot ay panghabambuhay at araw-araw ay kailangan ang medikasyon, kahit pa kontrolado na ang mga sintomas.6 Maaaring nakadidismayang isipin, ngunit sa pagkontrol ng iyong kondisyon at pagtalima sa iyong medikasyon ay maaari ka nang manatiling walang anumang sintomas.6 Nirerekomendang kumonsulta sa iyong doktor nang mas madalas kung may anumang pagbabago sa iyong kalagayan.

Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa iyong puso

Ang puso ay isang pangunahing target ng thyroid hormone.

Ang kakaunting thyroid hormone dahil sa isang underactive thyroid (hypothyroidism) ay maaaring magdulot ng:7

Kahit ang mild hypothyroidism ay nagpapalala sa sakit sa puso

Nakaaapekto ang mild hypothyroidism sa 4–20% ng populasyon at mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki.8 Ang matatanda ay mas posibleng makaranas ng sakit mula sa bahagyang underactive thyroid gland.6 Kung ikaw ay mayroong sakit sa puso at bahagyang underactive thyroid ay importanteng maibalik sa normal ang iyong thyroid. Ang presensiya ng dalawang sakit na ito’y nauugnay sa mas mataas na panganib na mamatay sanhi ng sakit sa puso.9

  1. Hypothyroidism: too little thyroid hormone. Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/thyroid/hypothyroidism-too-little-thyroid-hormone. Last accessed February 2022
  2. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hypo_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  3. British Thyroid Foundation. Psychological symptoms and thyroid disorders. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/leaflets/37-psychological-symptoms-guide. Last accessed February 2022
  4. Poppe K, Velkeniers B, Glinoer D. The role of thyroid autoimmunity in fertility and pregnancy. Nat Clin Pract Endocrinol Metab 2008; 4: 394–405
  5. Tan ZS, Beiser A, Vasan RS et al. Thyroid function and the risk of Alzheimer disease: the Framingham Study. Arch Intern Med 2008; 168: 1514–1520
  6. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hypothyroidism_web_booklet.pdf. Last accessed February 2022
  7. Hormone Health Network. Hypothyroidism and heart disease. Available at https://www.hormone.org/diseases-and-conditions/hypothyroidism. Last accessed February 2022
  8. Razvi S, Weaver JU, Pearce SH. Subclinical thyroid disorders: significance and clinical impact. J Clin Pathol 2010; 63: 379–386
  9. Iervasi G, Molinaro S, Landi P et al. Association between increased mortality and mild thyroid dysfunction in cardiac patients. Arch Intern Med 2007; 167: 1526–1532

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

TUNGKOL SA GOITER AT NODULE

Abril 7th, 2022 | admin |

Ang kakulangan ng iodine sa diet ay ang numero unong sanhi sa mundo ng paglaki ng thyroid (mas kilala bilang “goiter”).1 Sa katunayan, tinatayang 0.7 bilyon na tao sa buong mundo ang apektado ng kakulangan sa iodine.2


Paano mapapansin ang isang goiter

Nabubuo ang goiter kapag nagtangkang i-compensate ng thyroid gland ang kakulangan sa iodine at ang iniuugnay na mababa at/o nabigong produksiyon ng thyroid hormone. Sa prosesong ito, dahan-dahan itong lumalaki mula sa kaniyang normal na laki.1

Ang isang tao na may labis na paglaki ng thyroid ay maaaring may problema sa paglunok at paghinga.3

Nirerekomenda ng American Association of Clinical Endocrinologists ang tinatawag na “neck check” upang tulungan ang mga taong posibleng may paglaki ang thyroid.4

Ang simpleng biswal na klasipikasyon ay maaaring hindi tama — pangunahing dahilan ang posibilidad ng human error at mga pagkakaiba-iba sa indibidwal na anatomiya (hal. ang isang leeg na balot sa masel ay maaaring magtago ng malaking thyroid) — at hindi ito dapat gawing pamalit sa partikular na pagsusuri ng isang doktor.

Paano kilalanin ang isang nodule

Ang thyroid nodule ay isang abnormal na overgrowth ng tissue sa thyroid gland.5 May mga tao na tinutubuan ng isang nodule habang may iba naman na tinutubuan ng marami.5 Ang thyroid nodule ay karaniwan kung tutuusin, na halos kalahati ng lahat ng tao’y nagkaroon ng hindi bababa sa isang nodule pagsapit nila sa edad na 60.5 Tulad din sa pagtubo ng goiter, ang pagtubo ng thyroid nodule ay maaaring dulot ng kakulangan ng iodine sa diet.6

Ang thyroid nodule ay maaaring iklasipika gamit ang scan bilang “hot”, “warm” o “cold”. Kung ang isang nodule ay walang ginawang iodine ito’y lalabas na “cold” sa scan. Iyong nodule na nakagawa ng iodine ay lalabas na mas matingkad at tinatawag na “hot”. Tinatayang 85% ng mga nodule ay cold, 10% ay warm at 5% ay hot. Sa mga ito, 85% ng mga cold nodule ay benign (non-cancerous), habang 90% ang sa warm at 95%  ang sa mga hot nodule.

Sa simula, karamihan ng thyroid nodule ay hindi nagdudulot ng kapansin-pansing sintomas.6 Kadalasan ay hindi sila nadidiskubre hanggang sa pagsapit ng susunod na routine medical examination o sa mga imaging test tulad ng computed tomography (CT) scans o ultrasound ng leeg, na ginawa sa ibang dahilan.6 Habang lumalaki ang thyroid nodule, maaaring mangyari ang mga sumusunod na sintomas (bagaman bihira ang mga ito):

Sa simula pa lamang na magkaroon ng hirap sa paghinga, kumonsulta agad sa doktor. Kung sa tingin mo ay may tumubong nodule sa iyong thyroid gland, maaari mong gawin ang tinatawag na “neck check”, na itinakda ng American Association of Clinical Endocrinologists.4

Ang pagsuri at paggamot

Sunod sa isang simpleng pisikal na eksamen ng doktor, isang blood sample ang kukunin upang malaman kung may sapat na TSH sa dugo.1 Ang hormone na ito ang magsasabi kung gumagana nang normal ang thyroid gland. Nagsasagawa ng ultrasonography (isang ultrasound na scan) upang tukuyin ang aktwal na laki ng nodule at thyroid gland.1 Ang scan na ito ay hindi masakit. Kabilang sa ibang paraan upang suriin ang nodule ay ang radioactive iodine scan at ang fine-needle biopsy.1

Paano gamutin ang goiter at nodule?

Hindi lahat ng goiter at nodule ay kailangang gamutin.3 Depende sa uri at laki, ang pagtubo nila ay maaaring obserbahan na lamang nang regular. Sa pangkalahatan, may tatlong uri ng paggamot. Ang pagpili ng therapy ay depende sa pagsusuri ng bawat indibidwal na pasyente. Ang pangunahing layon ng paggamot ay ang paliitin ang lumaking thyroid gland at nodule.

Ang paggamot na may medikasyon

Para sa goiter at nodule na dulot ng kakulangan sa iodine, maaaring magbigay ng iodine supplement.1 Kung ang goiter ay dahil sa Hashimoto’s thyroiditis at mayroon kang hypothyroidism, ikaw ay bibigyan ng angkop na medikasyon upang manumbalik sa normal ang iyong thyroid hormone level.1 Kapag ang goiter at nodule ay may kasabay na hyperthyroidism (hal. sa kaso ng “hot” nodule), karagdagang medikasyon ang irereseta.1,7

Radioiodine therapy

Ang radioiodine ay binibigay bilang minsanang gamutan, bilang isang pill. Ito ay papasok sa thyroid gland sa daluyan ng dugo, kung saan ito ay maiimbak — at papasimunuan nito ang pagliit ng thyroid tissue na dulot ng short-range radiation.3

Operasyon sa thyroid

Kung ang thyroid nodule ay nakita, isang paraan ng paggamot ang pagtanggal sa isang operasyon ng buong thyroid gland. Idagdag pa, maaaring tanggalin ang ilang bahagi o ang buong thyroid gland kung ito’y naging malaking sagabal na. Kasunod sa ganitong operasyon, ang paggamot gamit ang substitution therapy ay kailangan upang mapalitan ang produksiyon ng thyroid hormone.3

Anuman ang partikular na therapy — at upang makatulong na rin sa pag-iwas sa sakit sa thyroid — laging seguruhin na may sapat kang pagkonsumo ng iodine sa iyong diet.

  1. American Thyroid Association. Goiter. 2016 Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Goiter_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  2. United Nations. Sixth report on the world nutrition situation. Available at http://www.unscn.org/files/Publications/RWNS6/report/SCN_report.pdf. Last accessed February 2022
  3. Goiters: abnormally large thyroid glands. Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/goiters/goiters-abnormally-large-thyroid-glands. Last accessed February 2022
  4. American Association of Clinical Endocrinologists. Neck check. Available at http://www.thyroidawareness.com/neck-check. Last accessed February 2022
  5. Thyroid nodules: prevalence, symptoms, causes, diagnosis, and treatments. Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/thyroid-nodules/thyroid-nodules-prevalence-symptoms-causes-diagnosis-treatments. Last accessed February 2022
  6. American Thyroid Association. Thyroid nodules. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Nodules_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  7. Fine needle biopsy of thyroid nodules. Is it cancer or just a benign nodule? Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/thyroid/fine-needle-biopsy-thyroid-nodules. Last accessed February 2022

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

TUNGKOL SA KANSER SA THYROID

Abril 7th, 2022 | admin |

Sa karamihan ng lugar sa mundo, ang kaso ng kanser sa thyroid cancer ay tumaas ilang dekada na ang nakararaan ngunit ang kaugnay na mortalidad ay bumaba.1 Ang mga incidence rate (mga bagong kaso kada taon) sa mga high-income na bansa ay doble kaysa sa mga low- at middle-income na bansa.1


Mga uri ng kanser sa thyroid

Ang kanser sa thyroid ay may klasipikasyon ayon sa uri ng kanser, sa laki at sa bilis ng pagkalat nito.2 Ang kanser sa thyroid ay karaniwang nagagamot at maaaring mabigyang-lunas ng operasyon at, minsan, ng radioactive iodine.3 May apat na pangunahing uri ng kanser sa thyroid.3

Papillary thyroid cancer ang pinakakaraniwang uri, tinatayang 70–80% ito ng kabuoang mga kaso at maaaring mangyari sa anumang edad. Ito ay isang tumor na mabagal ang paglaki na ang madalas kumalat sa mga kulane ng leeg.3

Follicular thyroid cancer, binubuo ang 10–15% ng lahat ng kanser sa thyroid, mabagal din ang paglaki at maaari ring kumalat sa mga kulane, sa daluyan ng dugo at sa malalayong tissue, kabilang ang mga buto at mga baga.3

Medullary thyroid cancer ang bumubuo sa 2% ng kabuoang mga kaso, 25% ng mga kaso’y namamana sa pamilya, at iniuugnay sa ibang tumor sa endocrine. Samakatwid, kailangang suriin ang mga miyembro ng pamilya ng isang pasyente kung mayroong medullary thyroid cancer para sa genetic mutation.2,3

Anaplastic thyroid cancer ang pinakaagresibong kanser sa thyroid at ang pinakamataas ang posibilidad na hindi madadaan sa gamutan. Tinatayang mababa pa sa 2% ng mga kaso ang bumubuo dito. Ito ay tumor na mabilis ang paglaki at pagkalat na mahirap gamutin.3

Paano sinusuri ang kanser sa thyroid?

Ang kanser sa thyroid ay tumutubong madalas bilang bukol o nodule na walang pinapakitang sintomas.3 Ang nodule ay madalas di-sadyang natutuklasan, halimbawa’y sa CT o ultrasound scan na isinagawa para sa ibang dahilan.3 Sa pag-eksamen ng thyroid ay ginagamit ang thyroid ultrasound.3 Ang isang mikroskopikong pag-eksamen ng tissue sample na kinuha sa fine-needle aspiration biopsy ang magpapakita kung mayroong mga cancer cell at, sa pagsusuri, anong uri ng kanser ang mga ito.3 Sa kabutihang-palad, wala pa sa isa sa 10 nodule ang cancerous.3

Ang pagsusuri sa kanser sa thyroid ay nakabibigla, at karaniwang sinusundan ng pagbuhos ng mga damdamin tulad ng lungkot, takot, galit, at kawalan ng magagawa. Ang matuto pa lalo tungkol sa iyong sakit at ang medikal na pangangalagang mayroon na ay makatutulong upang paimbabawan ang takot at anupamang damdamin ng kawalan ng magagawa. Pinahihintulutan din nito ang aktibong pakikibahagi mo sa proseso ng paggamot. Ang magandang balita’y ang kanser sa thyroid ay nagagamot at madalas ay nabibigyang-lunas.

Ang paggamot sa kanser sa thyroid

Ayon sa American Thyroid Association, ang pangunahing paggamot sa lahat ng uri ng kanser sa thyroid ay ang pagtanggal sa operasyon ng bahagi o ng buong thyroid gland.3 Kung ang tumor ay kumalat na sa mga kulani sa leeg o sa itaas na bahagi ng dibdib, ang mga kulani ay kailangan ding tanggalin.3 Pagkatapos tanggalin ang thyroid ikaw ay reresetahan ng angkop na medikasyon. Kailangan mong sumailalim sa medikasyon nang permanente.3

Kung ang iyong tumor ay malaki o kumalat na sa ibang tissue, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang radioactive iodine (RAI) therapy pagkatapos ng operasyon.3 Pupuksain ng RAI ang natitirang mga cancer cell, kahit iyong nasa malalayong tissue.3 Bilang paghahanda sa ganitong paggamot, ikaw ay gagawing hypothyroid sa pamamagitan ng paghinto sa paggamot o pag-ineksiyon ng TSH.3 Mas kakaunting iodine sa iyong katawan, mas epektibo ang paggamot.3 Kailangan mong kumonsulta sa iyong doktor kung paano mo babalansehin ang mga potensiyal na panganib at benepisyo ng paggamot.

Sa mga pasyenteng nasa advanced stage na ng kanser sa thyroid, ang operasyon at RAI treatment ay maaaring hindi na tumalab. Dito na ipanunukala ng iyong doktor ang radiation therapy, chemotherapy o ang kombinasyon ng dalawa.3

Pagkatapos ng matagumpay na paggamot, kailangan ang regular na follow-up examination upang seguruhin na hindi bumalik ang kanser. Kabilang sa mga ganitong check-up ang pisikal at ultrasound na pag-eksamen sa leeg at mga blood test. Ipapakita ng mga blood test kung tumatanggap ka ng tamang dami ng thyroxine at upang maobserbahan ang presensiya ng thyroglobulin. Pagkatapos matanggal ang thyroid at ng RAI treatment, hindi na dapat makagagawa pa ang iyong katawan ng protinang thyroglobulin (isang protina na nagagawa lamang sa thyroid gland). Kung ito’y lalabas sa blood test ay nangangahulugang marahil ay bumalik ang iyong kanser sa thyroid.3

Tala: Ayon sa American Thyroid Association, ang mga pasyenteng may differentiated at papillary thyroid cancer na mas bata sa edad 45 na maliit ang laki ng tumor o ng kanser na nasa loob ng thyroid gland ay may magandang tsansa na manumbalik ang dating kalusugan.3 Para sa mga pasyenteng ito, ang 10-year survival rate ay 100%.3 Para sa lahat ng pasyente ng kanser sa thyroid na sinuri sa USA sa pagitan ng 2006 at 2012, ang 5-year survival rate na 98.1% ay naitala.4

  1. La Vecchi C, Malvezzi M, Bosetti C et al. Thyroid cancer mortality and incidence: a global overview. Int J Cancer 2015; 136: 2187–2195.
  2. National Cancer Institute. Thyroid cancer treatment (PDQ®) — patient version. Available at https://www.cancer.gov/types/thyroid/patient/thyroid-treatment-pdq#section/_27. Last accessed February 2022
  3. American Thyroid Association. Thyroid cancer (papillary and follicular). Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ThyroidCancer_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  4. National Cancer Institute. Cancer stat facts: thyroid cancer. Available at http://seer.cancer.gov/statfacts/html/thyro.html. Last accessed February 2022

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

TUNGKOL SA HASHIMOTO’S THYROIDITIS

Abril 7th, 2022 | admin |

Ang Hashimoto’s thyroiditis ay isang autoimmune na karamdaman kung saan ang immune system ng katawan ang umaatake sa kaniyang sarili at sumasalakay sa thyroid.1 Ito ay nagdudulot ng mabagal at pangmatagalang pagsira ng thyroid gland, at samakatwid pati hindi sapat na level ng thyroid hormone.1 Habang patuloy ang karamdaman, gagawa ang thyroid ng napakakaunting thyroid hormone, na magreresulta sa hypothyroidism.1


Sino ang nasa panganib?

Maaaring makaaapekto ang Hashimoto’s thyroiditis sa sinomang indibidwal sa anumang edad, ngunit ito’y madalas na nangyayari sa middle-aged na kababaihan at sa mga may family history ng sakit sa thyroid.1 Kung bakit inaatake ng immune system ang thyroid gland ay hindi pa alam, ngunit kabilang sa mga posibleng risk factor ang viral o bacterial infection at ang pagkakaroon ng ibang autoimmune na karamdaman tulad ng type 1 diabetes.2

Mga sintomas ng Hashimoto’s disease

Ang sakit na ito’y maaaring hindi mapansin sa mahabang panahon. Sa tagal ng sakit ay maaaring mapagod ang thyroid gland, at maaari kang magkaroon ng hypothyroidism na may sintomas tulad ng:1,3

Paano sinusuri ang Hashimoto’s thyroiditis

Ang mga taong may Hashimoto’s thyroiditis ay madalas nagpapakita ng mga sintomas ng hypothyroidism, na minsa’y sinasabayan ng pagkakatuklas ng goiter.3 Ang mga sintomas lamang ay hindi maaasahang pruweba ng sakit na ito. Kailangan ang mga blood test upang makagawa ng maayos na pagsusuri. Kung mayroon kang mataas na level ng TSH sa dugo at mababang level ng free T4 (thyroxine na malayang dumadaloy sa dugo) maaaring mayroon kang hypothyroidism.4 Mga antibody laban sa thyroid peroxidase, isang enzyme na kaugnay sa produksiyon ng thyroid hormone, ang karaniwang ipinangtatapat sa mga kaso ng Hashimoto’s thyroiditis.3

Ang paggamot para sa sakit

Kung ikaw ay napag-alamang mayroon nang Hashimoto’s thyroiditis ay reresetahan ka ng iyong doktor ng thyroxine replacement hormone upang gamutin ang kondisyon.1 Karamihan ng mga pasyenteng may Hashimoto’s thyroiditis ay mangangailangan ng habambuhay na gamutan gamit ang angkop na medikasyon.3 Ang pagtuklas ng tamang dose o dami ng gamot, lalo na sa simula’y maaaring mangailangan ng pagsubok gamit ang TSH bawat 6-8 na linggo pagkatapos ng anumang pagbabago sa dose, hanggang sa ang tamang dose ay matimpla. Pagkatapos nito, ang obserbasyon ng TSH kada isang taon ay karaniwang sapat na.3

Mga kapakipakinabang website

http://www.thyroid.org

Mga impormasyon ng pasyente ng thyroid health na nilathala ng American Thyroid Association.

http://www.thyroid-fed.org

Mga impormasyon ng pasyente mula sa Thyroid Federation International.

http://www.merckserono.de

Therapiegebiete/Endokrinologische Erkrankungen/Schilddrüse/Broschüren „Ihr Hashimoto Ratgeber“ und „Ihr Basedow Ratgeber”

  1. Medline Plus. Chronic thyroiditis (Hashimoto’s disease). Available at http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/000371.htm. Last accessed February 2022.
  2. Mayo Clinic. Hashimoto’s disease. Symptoms and causes. Available at http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hashimotos-disease/symptoms-causes/dxc-20269764. Last accessed February 2022.
  3. American Thyroid Association. Hashimoto’s thyroiditis (lymphocytic thyroiditis). Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hashimoto_Thyroiditis.pdf. Last accessed February 2022.
  4. British Thyroid Foundation. Thyroid function tests. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/quick-guides/97-thyroid-function-tests. Last accessed February 2022.

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

TUNGKOL SA GRAVES’ DISEASE

Abril 5th, 2022 | admin |

Tulad ng Hashimoto’s thyroiditis, ang Graves’ disease ay isang autoimmune na karamdaman na nagreresulta sa pangkalahatang over-activity ng buong thyroid gland. 1 Tinatayang 25–40% ng mga pasyente ng Graves’ disease ang nagpapakita ng sintomas ng clinically relevant Graves’ ophthalmopathy (ang inflammation at pagtambok ng mga mata).3 Gayumpaman, ang Graves’ disease ay sinasabayan ng katamtaman hanggang malalang Graves’ ophthalmopathy, na nangyayari sa mas mababa sa 5% ng mga pasyente.2


Sino ang nasa panganib?

Ang kababaihan na wala pa sa edad na 40 ang mas madaling magkaroon ng Graves’ disease.3 Ang mga naninigarilyo’y mas madaling magkaroon ng Graves’ disease at mas posibleng magkaroon ng problema sa mata kaysa sa mga hindi naninigarilyo.3

Mga sintomas ng Graves’ disease

Ang sakit na ito’y maaaring hindi mapansin nang mahabang panahon, ngunit maaari mong maranasan ang ilan sa mga sumusunod na sintomas:1,4

Mga sintomas ng Graves’ ophthalmopathy na kabilang:1

Pagsusuri ng Graves’ disease

Hindi maaaring sabihin ng iyong doktor kung ikaw ay may Graves’ disease sa pamamagitan lamang ng mga sintomas nito. Kailangan ang pisikal na pag-eksamen at mga blood test upang magkaroon ng tiyak na pagsusuri.1 Kabilang sa mga dapat obserbahan ay ang  mababang level ng TSH at ang mataas na level ng free thyroxine.5 Upang malaman ang estado ng hyperthyroidism, isang triiodothyronine test rin ang isasagawa. Kung ito’y hyperthyroidism, ang paglaki ng thyroid gland, at problema sa mata na inilarawan sa itaas ay kapwa mayroon, madalas ito ay Graves’ disease.5

Ang paggamot ng Graves’ disease

Tatalakayin sa iyo ng iyong doktor ang pinakamabisang mga paraan ng paggamot upang maiwasang gumawa ang thyroid gland ng labis na thyroid hormone.

Ang huling dalawang paraan ay maaaring magbunsod ng hypothyroidism sa kinalaunan.5 Manunumbalik sa normal ang iyong thyroid hormone level sa pamamagitan ng pagkonsumo ng angkop na medikasyon.1 Kung iniinda mo ang mga sintomas ng Graves’ disease (tulad ng mabilis na heart rate, pagkabalisa, hindi makatiis sa init at panginginig ng mga kamay) maaaring magreseta nang pansamantala ang iyong doktor ng mga beta-blocker, na magbibigay ng ginhawa sa iyo sa maikling panahon.4,5 Ginagarantiya ng regular na check-up ang pangmatagalang tagumpay sa paggamot.1

Mga kapakipakinabang na website

 http://www.thyroid.org

Mga impormasyon ng pasyente ng thyroid health na nilathala ng American Thyroid Association.

www.thyroid-fed.org

Mga impormasyon ng pasyente mula sa Thyroid Federation International.

www.merckserono.de

Therapiegebiete/Endokrinologische Erkrankungen/Schilddrüse/Broschüren „Ihr Hashimoto Ratgeber“ und „Ihr Basedow Ratgeber“

  1. American Thyroid Association. Graves’ disease. Available at http://www.thyroid.org/what-is-graves-disease/. Last accessed February 2022
  2. Daumerie C. Epidemiology. In: Wiersinga WM, Kahaly GJ (eds): Graves’ Orbitopathy: A Multidisciplinary Approach — Questions and Answers. Basel: Karger, 2010: 33–39
  3. Mayo Clinic. Graves’ disease. Risk factors. Available at https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/graves-disease/symptoms-causes/syc-20356240. Last accessed February 2022
  4. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hyperthyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  5. Ginsberg J. Diagnosis and management of Graves’ disease. CMAJ 2003; 168: 575–585

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022