Ang Thyroid

Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo.

TUNGKOL SA HYPERTHYROIDISM

Ang hyperthyroidism, o isang overactive thyroid, ay nangyayari kapag gumagawa at nagpapakawala ang gland ng labis na thyroid hormone sa dugo, pinabibilis nito ang metabolismo.1 Ito ay madalas namamana sa pamilya, pinakakaraniwang nangyayari sa mga babaeng kabataan.1 Nakadidismayang isipin, kaunti pa lamang ang nauunawaan kung bakit ang mga partikular na indibidwal na ito ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon.1


Kung may iniindang kang hyperthyroidism, mapapansin mong nabawasan ang iyong timbang, kahit pa normal ang iyong pagkain o kahit pa mas marami kaysa sa dati.1 Makararamdam ka rin ng mabilis na tibok ng puso.1

Mga pangunahing sintomas ng hyperthyroidism

Bantayan ang mga sumusunod na sintomas:1,2

  • Mabilis na tibok ng puso (madalas na mas mabilis sa 100 na pintig kada minuto)
  • Nerbiyos at/o madaling pagkainis
  • Bawas sa timbang kahit walang pagbabago sa diet
  • Kapansin-pansing pagluwa ng mga mata (karaniwan para sa Graves’ disease)
  • Panghihina ng masel, lalo na sa itaas na braso at sa hita
  • Matinding pagpapawis
  • Madalas na pagdumi
  • Magaan o madalang na regla
  • Panginginig ng mga kamay
  • Pino’t marupok na buhok
  • Makinis at manipis na balat

Mahalagang gamutin agad ang mga sintomas ng hyperthyroidism dahil sa banta ng mga seryong komplikasyon. Idagdag pa, ang hyperthyroidism ay nagpapataas ng risk para sa osteoporosis (pagkawala ng bone mass) at mga pilay sa buto, ang mga babaeng dumanas na ng menopause ang mas higit na nasa panganib.4

Hindi lamang ang mga sintomas ang buong makapagsasabi kung mayroon ka nang hyperthyroidism; kailangan ang mga pisikal na eksamen at mga blood test.

Sino ang nasa panganib?

  • Kababaihan6
  • Matatanda6
  • Mga taong may kamag-anak na may mga autoimmune na karamdaman6
  • Mga taong may autoimmune na karamdaman tulad ng type 1 diabetes6
  • Mga taong may dating problema sa thyroid, tulad ng goiter6
  • Mga pasyenteng sumailalim sa operasyon ng thyroid6

Pagsuri ng sakit sa thyroid

Maaaring makumpirma ng iyong doktor ang sakit sa thyroid sa pamamagitan ng isang simpleng blood test upang suriin ang level ng thyroid-stimulating hormone (TSH) at ng thyroid hormone sa iyong dugo.1

Kung ikaw ay nag-aalala na maaaring may problema ka sa iyong thyroid gland, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas, o subukan ang aming maikling symptom checker para sa sakit sa thyroid.

Paano ginagamot ang hyperthyroidism

Ayon sa uri ng hyperthyroidism, iyong edad at health status, at kung gaano na kaseryoso ang over-activity ng iyong thyroid, pipili ang iyong doktor ng paggamot na nababagay sa iyo.

May mga anti-thyroid na gamot na pumipigil sa thyroid gland na gumawa ng mga bagong thyroid hormone.1 Isang alternatibo ang paglusaw sa thyroid tissue gamit ang radioactive iodine o sa pamamagitan ng operasyon upang tanggalin ang ilang bahagi o ang buong thyroid gland.1 Pagkaraan ay maaari nang gamutin ang hypothyroidism ng angkop na medikasyon.1,7

Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa iyong puso

Ang puso ay isang pangunahing target ng thyroid hormone. Anumang pagbabago sa level ng thyroid hormone ay tinutugonan ng puso.

Ang labis na thyroid hormone na resulta ng isang overactive thyroid (hyperthyroidism) ay maaaring magdulot ng:8

  • Pagbilis at paglakas ng tibok ng puso, na maaaring maging sanhi ng mga palpitation at atrial fibrillation (hindi regular na pintig ng puso)
  • Mas mataas na blood pressure

Kung hindi gagamutin, ang isang under- o overactive thyroid ay lalala o pabibilisin ang anumang pre-existing na sakit sa puso o maging sanhi ng mga bagong kondisyon.

Nakaaapekto ang mild hyperthyroidism sa puso ng matatanda

Makikita ang mild hyperthyroidism sa 0.7–12.4% ng populasyon.9 Ang mga pasyenteng may overactive thyroid ay mailalagay sa dalawang kategorya: ang mga pasyenteng may mababa ngunit nadedetek ang TSH values at ang mga pasyenteng hindi nadedetek ang TSH values.10 Ang mga pasyenteng hindi nadedetek ang TSH ay mas nalalagay sa panganib na magkaroon ng problema sa puso tulad ng atrial fibrillation, na isang arrhythmia na may magulong pagtibok na nagdudulot ng hirap na sirkulasyon ng dugo. Ito ay madalas na nakikita sa matatanda na nahuli na ang pagsusuri at may pre-existing na sakit sa puso.9

Nirerekomenda ng US guidelines na ang mga pasyenteng higit na ang edad sa 60 at may hindi nadedetek na TSH values ay dapat nang gamutin.10 Para sa mga mas batang pasyente na walang sintomas, masugid na pagbabantay ang nababagay.10

  1. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. 2014. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hyperthyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022.
  2. Hyperthyroidism symptoms. Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/hyperthyroidism/hyperthyroidism-symptoms. Last accessed February 2022
  3. American Thyroid Association. Clinical thyroidology for the public: hyperthyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/publications/ctfp/volume7/issue8/ct_public_v78_5_6.pdf. Last accessed February 2022
  4. British Thyroid Foundation. Thyroid disorders and osteoporosis. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/leaflets/30-thyroid-disorders-and-osteoporosis-guide. Last accessed February 2022
  5. Everyday Health. Are you at risk for thyroid disease?. Available at http://www.everydayhealth.com/thyroid-conditions/evaluating-your-thyroid-disease-risk.aspx. Last accessed February 2022
  6. Hyperthyroidism. Available at http://patient.info/doctor/hyperthyroidism. Last accessed February 2022
  7. NHS Choices. Underactive thyroid (hypothyroidism) — treatment. Available at http://www.nhs.uk/Conditions/Thyroid-under-active/Pages/Treatment.aspx. Last accessed February 2022
  8. Thyroid Foundation of Canada. The heart and the thyroid gland. Available at https://thyroid.ca/resource-material/information-on-thyroid-disease/hyperthyroidism-thyrotoxicosis/. Last accessed February 2022
  9. Biondi B, Cooper DS. The clinical significance of subclinical thyroid dysfunction. Endocr Rev 2008; 29: 76–131.
  10. Bahn RS, Burch HB, Cooper DS et al. Hyperthyroidism and other causes of thyrotoxicosis: management guidelines of the American Thyroid Association and American Association of Clinical Endocrinologists. Endocr Pract 2011; 17: 456–520

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022