Ang Thyroid

Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo.

TUNGKOL SA HASHIMOTO’S THYROIDITIS

Ang Hashimoto’s thyroiditis ay isang autoimmune na karamdaman kung saan ang immune system ng katawan ang umaatake sa kaniyang sarili at sumasalakay sa thyroid.1 Ito ay nagdudulot ng mabagal at pangmatagalang pagsira ng thyroid gland, at samakatwid pati hindi sapat na level ng thyroid hormone.1 Habang patuloy ang karamdaman, gagawa ang thyroid ng napakakaunting thyroid hormone, na magreresulta sa hypothyroidism.1


Sino ang nasa panganib?

Maaaring makaaapekto ang Hashimoto’s thyroiditis sa sinomang indibidwal sa anumang edad, ngunit ito’y madalas na nangyayari sa middle-aged na kababaihan at sa mga may family history ng sakit sa thyroid.1 Kung bakit inaatake ng immune system ang thyroid gland ay hindi pa alam, ngunit kabilang sa mga posibleng risk factor ang viral o bacterial infection at ang pagkakaroon ng ibang autoimmune na karamdaman tulad ng type 1 diabetes.2

Mga sintomas ng Hashimoto’s disease

Ang sakit na ito’y maaaring hindi mapansin sa mahabang panahon. Sa tagal ng sakit ay maaaring mapagod ang thyroid gland, at maaari kang magkaroon ng hypothyroidism na may sintomas tulad ng:1,3

  • Pata at antok at/o panghihina
  • Hindi makatiis sa lamig
  • Hirap sa pagtuon o pag-iisip
  • Depresyon
  • Dagdag sa timbang
  • Paglaki ng leeg o presensiya ng goiter, na maaaring maagang sintomas, at, sa kalaunan ng sakit, isang maliit o umimpis na thyroid gland
  • Abnormal na regla na may madugo/iregular na regla
  • Pagtitibi
  • Sakit ng kasukasuan o muscle
  • Pagkalagas ng buhok
  • Tuyong balat

Paano sinusuri ang Hashimoto’s thyroiditis

Ang mga taong may Hashimoto’s thyroiditis ay madalas nagpapakita ng mga sintomas ng hypothyroidism, na minsa’y sinasabayan ng pagkakatuklas ng goiter.3 Ang mga sintomas lamang ay hindi maaasahang pruweba ng sakit na ito. Kailangan ang mga blood test upang makagawa ng maayos na pagsusuri. Kung mayroon kang mataas na level ng TSH sa dugo at mababang level ng free T4 (thyroxine na malayang dumadaloy sa dugo) maaaring mayroon kang hypothyroidism.4 Mga antibody laban sa thyroid peroxidase, isang enzyme na kaugnay sa produksiyon ng thyroid hormone, ang karaniwang ipinangtatapat sa mga kaso ng Hashimoto’s thyroiditis.3

Ang paggamot para sa sakit

Kung ikaw ay napag-alamang mayroon nang Hashimoto’s thyroiditis ay reresetahan ka ng iyong doktor ng thyroxine replacement hormone upang gamutin ang kondisyon.1 Karamihan ng mga pasyenteng may Hashimoto’s thyroiditis ay mangangailangan ng habambuhay na gamutan gamit ang angkop na medikasyon.3 Ang pagtuklas ng tamang dose o dami ng gamot, lalo na sa simula’y maaaring mangailangan ng pagsubok gamit ang TSH bawat 6-8 na linggo pagkatapos ng anumang pagbabago sa dose, hanggang sa ang tamang dose ay matimpla. Pagkatapos nito, ang obserbasyon ng TSH kada isang taon ay karaniwang sapat na.3

Mga kapakipakinabang website

http://www.thyroid.org

Mga impormasyon ng pasyente ng thyroid health na nilathala ng American Thyroid Association.

http://www.thyroid-fed.org

Mga impormasyon ng pasyente mula sa Thyroid Federation International.

http://www.merckserono.de

Therapiegebiete/Endokrinologische Erkrankungen/Schilddrüse/Broschüren „Ihr Hashimoto Ratgeber“ und „Ihr Basedow Ratgeber”

  1. Medline Plus. Chronic thyroiditis (Hashimoto’s disease). Available at http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/000371.htm. Last accessed February 2022.
  2. Mayo Clinic. Hashimoto’s disease. Symptoms and causes. Available at http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hashimotos-disease/symptoms-causes/dxc-20269764. Last accessed February 2022.
  3. American Thyroid Association. Hashimoto’s thyroiditis (lymphocytic thyroiditis). Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hashimoto_Thyroiditis.pdf. Last accessed February 2022.
  4. British Thyroid Foundation. Thyroid function tests. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/quick-guides/97-thyroid-function-tests. Last accessed February 2022.

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022