Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo.
Sino ang nasa panganib?
Ang kababaihan na wala pa sa edad na 40 ang mas madaling magkaroon ng Graves’ disease.3 Ang mga naninigarilyo’y mas madaling magkaroon ng Graves’ disease at mas posibleng magkaroon ng problema sa mata kaysa sa mga hindi naninigarilyo.3
Mga sintomas ng Graves’ disease
Ang sakit na ito’y maaaring hindi mapansin nang mahabang panahon, ngunit maaari mong maranasan ang ilan sa mga sumusunod na sintomas:1,4
Mga sintomas ng Graves’ ophthalmopathy na kabilang:1
Pagsusuri ng Graves’ disease
Hindi maaaring sabihin ng iyong doktor kung ikaw ay may Graves’ disease sa pamamagitan lamang ng mga sintomas nito. Kailangan ang pisikal na pag-eksamen at mga blood test upang magkaroon ng tiyak na pagsusuri.1 Kabilang sa mga dapat obserbahan ay ang mababang level ng TSH at ang mataas na level ng free thyroxine.5 Upang malaman ang estado ng hyperthyroidism, isang triiodothyronine test rin ang isasagawa. Kung ito’y hyperthyroidism, ang paglaki ng thyroid gland, at problema sa mata na inilarawan sa itaas ay kapwa mayroon, madalas ito ay Graves’ disease.5
Ang paggamot ng Graves’ disease
Tatalakayin sa iyo ng iyong doktor ang pinakamabisang mga paraan ng paggamot upang maiwasang gumawa ang thyroid gland ng labis na thyroid hormone.
Ang huling dalawang paraan ay maaaring magbunsod ng hypothyroidism sa kinalaunan.5 Manunumbalik sa normal ang iyong thyroid hormone level sa pamamagitan ng pagkonsumo ng angkop na medikasyon.1 Kung iniinda mo ang mga sintomas ng Graves’ disease (tulad ng mabilis na heart rate, pagkabalisa, hindi makatiis sa init at panginginig ng mga kamay) maaaring magreseta nang pansamantala ang iyong doktor ng mga beta-blocker, na magbibigay ng ginhawa sa iyo sa maikling panahon.4,5 Ginagarantiya ng regular na check-up ang pangmatagalang tagumpay sa paggamot.1
Mga kapakipakinabang na website
Mga impormasyon ng pasyente ng thyroid health na nilathala ng American Thyroid Association.
Mga impormasyon ng pasyente mula sa Thyroid Federation International.
Therapiegebiete/Endokrinologische Erkrankungen/Schilddrüse/Broschüren „Ihr Hashimoto Ratgeber“ und „Ihr Basedow Ratgeber“
GL-NONE-00102
Date of preparation: February 2022