Ang Thyroid

Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo.

TUNGKOL SA HYPOTHYROIDISM

Ang hypothyroidism, o ang isang underactive thyroid gland, ay isang karaniwang kondisyon.1 Ito ang resulta kapag hindi nakagagawa ng sapat na thyroid hormone ang thyroid gland. Ang mababang produksiyon na ito ng hormone ang nagpapabagal sa metabolismo ng katawan, kadalasang nakararamdam ng panlalamig ang mga pasyente, pagod at may depresyon.2 Kung ika’y may iniindang hypothyroidism ay mapapansin mong nadagdagan ang iyong timbang, kahit pa may sinusunod kang maayos na diet at nag-eehersisyo ka nang regular.1


Mga pangunahing sintomas ng hypothyroidism

Ang mga sintomas ng hypothyroidism na hindi kaaya-aya at maaaring makaapekto sa pagpapahalaga sa sarili, sa trabaho, at sa buhay sa tahanan at pamilya ng isang tao.

Mga kabilang na sintomas:

  • Pata/Antok
  • Hindi makatiis sa lamig
  • Pagdagdag sa timbang o mas hirap sa pagbawas ng timbang (kahit may maayos na diet at ehersisyo)
  • Depresyon
  • Pagtitibi
  • Abnormal na regla o problema sa fertility
  • Mga problema sa kasukasuan o muscle
  • Manipis at marupok na buhok at mga kuko sa kamay, at/o tuyo’t natutuklap na balat
  • Bawas na libido

Kung pababayaan, ang hypothyroidism ay maaaring magdulot ng mas seryosong komplikasyon at maaari pang ikamatay. Kabilang sa matitinding komplikasyon ng hypothyroidism:

  • Coma1
  • Heart failure (pagpalya ng puso)1
  • Matindi’t nakamamatay na depresyon1
  • Pagtindi ng panganib na magka-Alzheimer’s disease sa kababaihan5

Sino ang nasa panganib?

  • Ang kababaihan sa pangkalahatan ay mas madaling magkaroon ng hypothyroidism, lalo na habang buntis, pagkaraang manganak at habang menopause6
  • Matatanda6
  • Mga taong may kamag-anak na may autoimmune disorder6
  • Mga taong may autoimmune diseases halimbawa, type 1 diabetes o rheumatoid arthritis6
  • Mga taong may manic depression6
  • Mga pasyenteng sumailalim sa radiation treatment o operasyon sa thyroid6
  • Mga Caucasian at Asian6

Pagsuri ng sakit sa thyroid

Maraming tao ang hindi nagpapasuri ng problema sa thyroid at nagtitiis nang mahabang panahon dahil napagkakamalan ang kanilang mga sintomas na para sa ibang mga kondisyon, tulad ng depresyon o pagdagdag sa timbang.6 Ang sakit sa thyroid ay maaaring makumpirma ng iyong doktor sa pamamagitan ng isang simpleng blood test.6

Kung ikaw ay nag-aalala na maaaring may problema ka sa iyong thyroid gland, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas, o sagutan ang aming maikling symptom checker para sa sakit sa thyroid.

Paano ginagamot ang hypothyroidism

Ang paggamot sa sakit sa thyroid ay simple, matagal nang ginagawa, at napaka-epektibo.6 Dahil wala pang lunas para sa hypothyroidism, ang layon ng paggamot ay palitan ang mga nawawalang thyroid hormone sa ating katawan.6 Ang angkop na medikasyon, kung araw-araw ang pagkonsumo, ay magbibigay ng kakayahan sa mga pasyente na mamuhay nang walang anumang sintomas.6

Kung ikaw ay nasuring mayroon nang hypothyroidism, importanteng tandaan na ang paggamot ay panghabambuhay at araw-araw ay kailangan ang medikasyon, kahit pa kontrolado na ang mga sintomas.6 Maaaring nakadidismayang isipin, ngunit sa pagkontrol ng iyong kondisyon at pagtalima sa iyong medikasyon ay maaari ka nang manatiling walang anumang sintomas.6 Nirerekomendang kumonsulta sa iyong doktor nang mas madalas kung may anumang pagbabago sa iyong kalagayan.

Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa iyong puso

Ang puso ay isang pangunahing target ng thyroid hormone.

Ang kakaunting thyroid hormone dahil sa isang underactive thyroid (hypothyroidism) ay maaaring magdulot ng:7

  • Pagtaas sa mga level ng low-density lipoprotein (“bad”) cholesterol, total cholesterol, at triglycerides
  • Mas mataas na blood pressure
  • Mabagal na tibok ng puso (mas mababa sa 60 na pintig kada minuto)
  • Pagkapal ng matigas na bahagi ng mga wall ng ugat para sa dugo
  • Matinding pagpuwersa ng puso

Kahit ang mild hypothyroidism ay nagpapalala sa sakit sa puso

Nakaaapekto ang mild hypothyroidism sa 4–20% ng populasyon at mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki.8 Ang matatanda ay mas posibleng makaranas ng sakit mula sa bahagyang underactive thyroid gland.6 Kung ikaw ay mayroong sakit sa puso at bahagyang underactive thyroid ay importanteng maibalik sa normal ang iyong thyroid. Ang presensiya ng dalawang sakit na ito’y nauugnay sa mas mataas na panganib na mamatay sanhi ng sakit sa puso.9

  1. Hypothyroidism: too little thyroid hormone. Available at https://www.endocrineweb.com/conditions/thyroid/hypothyroidism-too-little-thyroid-hormone. Last accessed February 2022
  2. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hypo_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  3. British Thyroid Foundation. Psychological symptoms and thyroid disorders. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/leaflets/37-psychological-symptoms-guide. Last accessed February 2022
  4. Poppe K, Velkeniers B, Glinoer D. The role of thyroid autoimmunity in fertility and pregnancy. Nat Clin Pract Endocrinol Metab 2008; 4: 394–405
  5. Tan ZS, Beiser A, Vasan RS et al. Thyroid function and the risk of Alzheimer disease: the Framingham Study. Arch Intern Med 2008; 168: 1514–1520
  6. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hypothyroidism_web_booklet.pdf. Last accessed February 2022
  7. Hormone Health Network. Hypothyroidism and heart disease. Available at https://www.hormone.org/diseases-and-conditions/hypothyroidism. Last accessed February 2022
  8. Razvi S, Weaver JU, Pearce SH. Subclinical thyroid disorders: significance and clinical impact. J Clin Pathol 2010; 63: 379–386
  9. Iervasi G, Molinaro S, Landi P et al. Association between increased mortality and mild thyroid dysfunction in cardiac patients. Arch Intern Med 2007; 167: 1526–1532

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022