Ang Thyroid

Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo.

EPEKTO NG KAKULANGAN SA IODINE

Ang sakit sa thyroid ang ilan sa mga pinakamadalas na karamdaman sa mundo, na mayroong 1.6 bilyong tao ang nalalagay sa panganib.1 Ang iodine ay mahalagang bahagi ng thyroid hormone at ito’y importanteng factor sa pagkakaroon ng hypothyroidism (underactive thyroid) at hyperthyroidism (overactive thyroid).1 Kapag hindi sapat ang iodine, maaari itong magbunga ng hypothyroidism, cretinism at ibang sakit dahil sa kulang sa iodine. Sa kabilang banda, ang labis na pagkonsumo ng iodine ay maaaring mauwi sa hyperthyroidism.1


Bakit importante ang iodine?

Ang iodine ay mahalaga para sa produksiyon ng thyroid hormone, para sa fetal at infant development, at ito’y isang kritikal na nutrient para sa ating maayos na kalusugan sa lahat ng yugto ng ating buhay.2 Sa dahilang hindi nakagagawa ng iodine ang ating katawan, regular dapat itong sinusuplayan sa pamamagitan ng isang malusog na diet.2 Ang kakulangan sa iodine ay umiiral sa halos 54 na bansa sa buong mundo, ayon sa isang ulat ng World Health Organization (WHO).3 Ang iodine ay mahalagang bahagi sa produksiyon ng mga thyroid hormone na thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3).4 Tumutulong ang thyroid hormone sa ating katawan upang lubusang gamitin ang enerhiya, panatilihin ang init ng katawan, at ipagpatuloy ang nararapat na pagtakbo ng utak, puso, muscle at iba pang organ.5 Ang thyroid hormone at gayundin ang iodine ay mahalaga sa paglaki ng fetus, pagtubo ng buto at pagbuo ng utak.2 Ayon sa WHO, ang kulang na pagkonsumo ng iodine ang isa sa pinakakaraniwang maaaring iwasan na dahilan ng mental retardation.3  

Isang global na kampanya upang mag-iodize ng suplay ng asin sa halos lahat ng bansa ang nagresulta sa tinatayang 68% ng mga household ang ngayo’y gumagamit na ng iodized salt.6 Bago pa ang kampanyang ito, tinatayang 2 bilyon na tao ang nagpakita ng kakulangan sa iodine dahil sa pagkakaroon ng goiter noong 2005 datapwat ang aktuwal na bilang ay 700 na milyon, sa gayo’y nailigtas ang 1.3 bilyon na tao mula sa sakit na ito.6 Sa kabila nito, tinatayang 40% ng global na populasyon ang nananatiling nasa panganib ng kakulangan sa iodine.7

Gaano karaming iodine ang iyong kailangan?

Isang kutsarita ng iodine ay sapat na para sa kabuoan ng iyong buhay; gayumpaman, hindi nakapag-iimbak ng iodine ang ating katawan nang matagal, kailangan natin ang mga munting pagkonsumo nito nang regular.2 Karamihan sa atin ay nakapagkokonsumo ng maraming iodine na walang iniindang masamang epekto. Ang pagkonsumo ng 1,000 micrograms kada araw ay maaaring makapinsala.2

Ang pang-araw-araw na kailangang iodine ay nagbabago sa buhay ng isang tao:4

  • Mga sanggol: 110–130 micrograms
  • Mga bata (1–8 taon): 90 micrograms
  • Mga bata (9–13 taon): 120 micrograms
  • Mga adolescent at adult: 150 micrograms
  • Mga buntis: 220 micrograms
  • Mga nagpapasuso: 290 micrograms

Tala: Ang mga sanggol ay mas posibleng nasa panganib ng kakulangan sa iodine dahil ang relasyon ng pangangailangan nila para sa iodine at thyroid hormone at sa kanilang timbang ay mas mahalaga kaysa sa iba pang yugto ng buhay.8 Hindi rekomendado na bigyan ang mga sanggol ng karagdagang asin at sa gayo’y umaasa sila sa kanilang mga ina bilang pinagkukuhanan nila ng iodine. Samakatwid, nirerekomenda ng American Thyroid Association (ATA) na lahat ng nagpapasusong ina’y magkonsumo ng supplement na hindi bababa sa 150 micrograms kada araw, kasabay ang ibang pinagkukuhanan ng iodine, upang seguruhin na kapwa ang ina at ang sanggol ay maaabot ang kani-kaniyang pang-araw-araw na kailangang iodine, ayon sa nakasaad sa taas.9

Kapag ikaw ay may planong magkaanak, unahin ang iodine

Kapag ikaw ay may planong magkaanak o ikaw ay buntis o ikaw ay nagpapasuso, kailangan mong unahin sa iyong diet ang pagkonsumo ng iodine.2,4 Kahit ang kaunting kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring may epekto sa paglaki at pagpapanganak ng sanggol. Ang seryosong kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring magresulta sa abortion (makunan) o stillbirth.3 Maaari rin itong magresulta sa congenital abnormalities tulad ng cretinism, na isang seryoso’t hindi na maibabalik pang anyo ng mental retardation.3 Ang mas laganap, ngunit mas hindi nakikita, na epekto ng kakulangan sa iodine ay ang kabawasan sa pag-iisip na maaaring makaapekto ng buhay sa tahanan, sa pag-aaral at sa trabaho.3

Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa kung anong mga supplement ang makatutulong sa iyo, at anong mga supplement sa iodine ang iyong kailangan.

Paano matutustosan ang kailangan mong iodine

Ang seafood o pagkaing-dagat ay isang mainam na pinagkukuhanan dahil ang karagatan ay mayaman sa iodine.2 Bagaman mas mababa ang iodine sa karamihan ng pagkaing-dagat, ang itlog, karne at mga produktong dairy ay mas mayaman kaysa sa mga pagkaing mula sa halaman.2 Anumang asin na gamit sa bahay ay kailangang iodized.2 Upang seguruhin ang tamang pagkonsumo ng mga sanggol habang nasa weaning period, dapat ikonsidera ang laman na iodine ng mga lutong-bahay o komersiyal na complementary formula/pagkain.8

Mga karaniwang pinagkukuhanan ng pang-diet na iodine:7

  • Ilang mga tinapay
  • Iodized table salt, o asing pambudbod sa pagkain
  • Keso
  • Isdang dagat
  • Gatas ng baka
  • Seaweed (kabilang ang kelp, dulse at nori)
  • Mga itlog
  • Shellfish
  • Frozen yogurt
  • Gatas mula sa soy
  • Ice cream
  • Soy sauce
  • Mga multivitamin na naglalaman ng iodine
  • Yogurt

Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang kakulangan sa iodine ay ang pangmatagalan na pagkonsumo ng diet supplement na may iodized salt, ang rekomendadong estratehiya ng WHO: Nirerekomenda ng WHO ang pagkonsumo ng asin na mas mababa sa 5 grams kada araw (katumbas halos ng 1 kutsarita ng asin kada araw) upang maiwasan ang sakit sa puso.10 Ang isang kutsarita ng iodized salt ay naglalaman ng halos 400 micrograms ng iodine.7 Upang matustosan ang kabuoang pangangailangan ng iodine ay hindi ka dapat kumain ng mas maraming asin, ngunit dapat kang kumonsumo ng ibang pagkaing mayaman sa iodine.2

Ang kakulangan sa iodine at ang resulta nito sa kalusugan

Ang chronic iodine deficiency o pabalik-balik na kakulangan sa iodine ay maaaring makasama sa iyong kalusugan.7 Ang kakulangan sa iodine ay magbubunga ng mas kaunting thyroid hormone at ito ang pinakakaraniwang sanhi ng underactive thyroid (hypothyroidism).1,7 Ang nakikita’t tiyak na epekto ng kakulangan sa iodine ay ang paglaki ng thyroid, na kilala bilang goiter.7 Upang maiwasan ang seryosong resulta sa kalusugan ay importanteng kilalanin nang maaga ang mga sintomas ng kakulangan sa iodine.

Magbasa pa dito at alamin kung paano nabubuo ang goiter at ang mga nodule — at kung paano rin kilalanin at gamutin ang mga ito.

Ang mga sumusunod na sintomas ay maaaring magpahiwatig ng kakulangan sa iodine:5,7

  • Mga problema sa paglunok at paghinga
  • Mas malaking circumference ng leeg
  • Pata
  • Pagiging sensitibo sa lamig
  • Pagtitibi
  • Tuyong balat
  • Depresyon

Sa mga bata:

  • Mental at pisikal na retardation2
  • Paghina sa pag-iisip (pinahihina ng kakulangan sa iodine ang IQ ng 15 na puntos)11
  • Bawas na pagganap sa paaralan12

Ang mga pinakaseryosong resulta ng kakulangan sa iodine ay nangyayari sa mga babaeng buntis o nagpapasuso at sa mga bata. Ang tamang dami ng iodine, at ang gayong sapat na thyroid hormone, ay mahalaga para sa normal na paglaki ng ating utak at nervous system. Ang pinakaseryosong sakit na dulot ng kakulangan sa iodine habang buntis ay cretinism, isang kondisyon ng nabansot na pisikal at mental na paglaki. Ngunit kahit ang kakaunting kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring maiugnay sa mababang pag-iisip sa mga bata.7

Ang sapat na iodine ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang mga komplikasyon, gayundin ang ibang bagay tulad ng stillbirth, ang makunan o kakulangan sa paglaki.7

Mga kapakipakinabang na website

http://www.iccidd.org

Ang International Council for the Control of Iodine Deficiency Disorders (ICCIDD) ay isang non-profit, non-government na organisasyon para sa matatag na pagpuksa ng kakulangan sa iodine at ang pagpapalaganap ng optimal na nutrisyong iodine sa buong mundo.

http://www.unicef.org/progressforchildren/2007n6/index_41509.htm

Ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang naglalathala ng “Progress for Children”, isang statistical review na nagdodokumento sa progreso tungo sa “Millennium Development Goals”.

http://www.thyroid.org/patients/patient_brochures/iodine_deficiency.html

Impormasyon sa pasyente tungkol sa thyroid health na inilathala ng ATA

  1. Khan A, Khan MM, Akhtar S. Thyroid disorders, etiology and prevalence. J Med Sci 2002; 2: 89–94. http://www.scialert.net/fulltext/?doi=jms.2002.89.94&org=11. Last accessed February 2022
  2. Nutrition Australia. Nutrition fact sheet: iodine. Available at hhttps://nutritionaustralia.org/app/uploads/2020/05/Iodine_Printable-Detailed-Summary.pdf . Last accessed February 2022
  3. World Health Organization. Micronutrient deficiencies. Available at http://www.who.int/nutrition/topics/idd/en/. Last accessed February 2022
  4. Institute of Medicine of the National Academies. Dietary reference intakes for vitamin A, vitamin K, arsenic, boron, chromium, copper, iodine, iron, manganese, molybdenum, nickel, silicon, vanadium, and zinc. Washington, DC: National Academy Press, 2001.
  5. American Thyroid Association. Hypothyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hypothyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  6. United Nations. Sixth report on the world nutrition situation. Available at http://www.unscn.org/files/Publications/RWNS6/report/SCN_report.pdf. Last accessed February 2022
  7. American Thyroid Association. Iodine deficiency. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/IodineDeficiency_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  8. Zimmermann M. Low iodine intakes in weaning infants. IDD Newsletter 2010; 38: 1–3. Available at http://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download?doi=10.1.1.187.3644&rep=rep1&type=pdf. Last accessed February 2022
  9. American Thyroid Association. American Thyroid Association (ATA) issues statement on the potential risks of excess iodine ingestion and exposure. Available at http://www.thyroid.org/american-thyroid-association-ata-issues-statement-on-the-potential-risks-of-excess-iodine-ingestion-and-exposure/. Last accessed February 2022
  10. World Health Organization. Unhealthy diet. Available at http://www.who.int/gho/ncd/risk_factors/unhealthy_diet_text/en/index.html. Last accessed February 2022
  11. World Health Organization. Is it true that lack of iodine really causes brain damage? Available at http://www.who.int/features/qa/17/en/. Last accessed February 2022
  12. Qian M, Wang D, Watkins WE et al. The effects of iodine on intelligence in children: a meta-analysis of studies conducted in China. Asia Pac J Clin Nutr 2005; 14: 32–42

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022