Ang thyroid gland ay isang organ na hugis-paruparo sa baba ng ating leeg, sa harap ng ating windpipe. Ito ang “master controller” o pangunahing kumokontrol ng metabolismo, at mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa ating kalusugan.1,2 Ito ang gumagawa, nag-iimbak, at nagpapakawala ng thyroid hormone sa dugo, sa ganito’y napapangasiwaan ang metabolismo.2 Ang hormone na ito’y mahalaga para sa maayos na takbo ng lahat ng tissue at organ ng katawan.3 Ginagawa nitong mahusay ang paggamit ng ating katawan sa ating imbakan ng enerhiya, nang makontrol ang ating temperatura, at upang maging maayos ang trabaho ng ating mga kalamnan (muscle).3
SINO ANG NASA PANGANIB?
Ang sakit sa thyroid ay napakakaraniwan na sa buong mundo, lalo na sa kababaihan.4 Hindi pa buong nauunawaan kung bakit mas nasa panganib ang mga babae kaysa sa mga lalaki, ngunit hindi lamang sila ang mas posibleng magkaroon ng problema sa thyroid, sila rin ang mas posibleng maagang magkaroon nito sa buhay.4
Ilang mga bahagi sa buhay ng isang babae kung kailan siya mas madaling magkaroon ng problema sa thyroid.
Kabilang dito ang:4
- Katatapos lang magbuntis (hyperthyroidism)
- Pagdanas ng hormonal na pagbabago sanhi ng pagbubuntis, panganganak o habang menopause (hypothyroidism)
Anuman ang iyong kasarian, ikaw ay nasa panganib ng sakit sa thyroid kung ikaw ay:4
- May family history ng problema sa thyroid (hypothyroidism at hyperthyroidism)
- May autoimmune na karamdaman tulad ng type 1 diabetes (hypothyroidism at hyperthyroidism)
- Higit sa 60 ang edad (hypothyroidism at hyperthyroidism)
- May personal history ng sakit sa thyroid o sumailalim na sa operasyon ng thyroid (hypothyroidism at hyperthyroidism)
- May Down or Turner syndrome (hypothyroidism)
- May personal history ng paggamit ng lithium (hypothyroidism)
- Caucasian o Asian (hyperthyroidism)
- Kumonsumo ng maraming iodine sa pagkain o gamot (hyperthyroidism)
Ang mga taong sumailalim sa radiation treatment o na-expose ang mga leeg sa X-ray ay mas posible ring magkaroon ng problema sa thyroid.4
GL-NONE-00102
Date of preparation: February 2022