Archive Page

Para Sa Mga Magulang

Abril 5th, 2022 | admin |

ANG SAKIT SA THYROID AT ANG MGA BATA

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng thyroid hormone sa malusog na paglaki at pag-unlad sa panahon ng pagkabata, inaapektuhan ang metabolismo, ang nervous system at ang gawain ng mga organ.1 Samakatwid, napakahalaga na nauunawaan ng mga magulang ang mga tanda at sintomas ng sakit sa thyroid. Importante ring tandaan na mayroong mga paggamot at ang maagang interbensiyon ay makatutulong upang maiwasan ang mga pangmatagalan na isyu o komplikasyon.1

Ang mga batang sinuri na may problema sa thyroid ay kailangan ng suporta ng kanilang mga pamilya upang seguruhin na ikokonsumo nila nang regular ang kanilang medikasyon at upang maunawaan ang kanilang kondisyon. Nirerekomenda rin na ang mga paaralan/nursery ay may alam upang maging malay sila sa pagsusuri ng bata at ang kinakailangang medikasyon.


Kilalanin si Hypo at Hyper, ang mga Paruparong Thyroid

Upang malaman ang mga sintomas na iniuugnay sa hypothyroidism at hyperthyroidism, isiping sila’y mga paruparo, bawat isa’y may sariling personalidad: si Hypo (pinaikli na hypothyroidism) at si Hyper (pinaikli na hyperthyroidism).

Kilalanin si Hypo, ang mabagal at matamlay na paruparo

Si Hypo ay isang bughaw na paruparo. Siya ay mabagal kumilos kumpara sa kaniyang mga kaibigan at hindi siya lumalaki nang kasingbilis. Madalas siyang pagod at minsa’y matamlay. Malamig ang kaniyang balat at mas mabagal ang kaniyang heart rate kumpara sa ibang paruparo.

Kilalanin si Hyper, ang napakaaktibo at di-mapakaling paruparo.

Si Hyper ay payat, napakaaktibo, at malikot na kalimbahing paruparo. Siya ay iritable at madaling uminit ang ulo. Madalas siyang gutom at marami kung kumain, ngunit tuloy pa ring nababawasan ang timbang niya.

Maaari kayang makaranas ng problema sa thyroid ang sanggol ko?

Maaaring makaranas ang mga bata ng problema sa thyroid mula pagkapanganak dahil maaari silang isilang na hindi gumagana nang maayos ang thyroid gland, isang kondisyon na kung tawagin ay congenital hypothyroidism.2 Ang kondisyon na ito’y maaaring mahirap mapansin sa pagkapanganak dahil maaaring wala pang mga sintomas ang mga sanggol, o maaaring may mga bahagyang sintomas lamang na kadalasa’y hindi pinapansin.2

Ano ang kailangan kong bantayan?

Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng congenital hypothyroidism ang:2

Upang maiwasan ang mas seryosong epekto ng hindi ginagamot na congenital hypothyroidism – kabilang na ang napinsalang paglago ng utak – rekomendado ang screening para sa bawat sanggol pagkatapos na ipanganak. Ang mainam na oras para sa screening ay karaniwang ilang araw pagkatapos isilang ang sanggol.2 Ang mga batang may congenital hypothyroidism ay ginagamot gamit ang tamang medikasyon na tulad din sa matatanda.2 Ang ganitong paggamot ay maaaring makapagbigay ng kaseguruhang lalaki nang normal ang bata.2

Kung ikaw ay nag-aalala na ikaw o ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng, o iniinda na ang sakit mula sa, problema sa thyroid, kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas na nararanasan mo at/o ng iyong anak.

Ang underactive thyroid gland ng mga bata

Ang pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism na nakukuha sa  isang autoimmune na reaksiyon.3 Hashimoto’s thyroiditis ay isang sanhi ng nakukuhang hypothyroidism kung saan inaatake ng immune system ng katawan ang thyroid gland at sagabal sa produksiyon ng thyroid hormone.4

Ang mga tanda ng hypothyroidism sa mga bata ay maaaring magbago depende sa edad kung kailan nagsimula ang problema:

Ang paggamot

Ang layon ng paggamot sa hypothyroidism sa mga bata ay upang palitan ang nawalang thyroid hormone. Ang angkop na medikasyon para sa hypothyroidism sa matatanda ay maaari ring irekomendang gamitin para sa mga bata. Gayumpaman, binabagay ang dami ng gamot sa partikular na timbang at pangangailangan ng bata.1

Kung ikaw ay nag-aalala na ikaw o ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng, o iniinda na ang sakit mula sa, problema sa thyroid, kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas na nararanasan mo at/o ng iyong anak.

Ang overactive thyroid gland sa mga bata

Ang autoimmune na karamdaman na Graves’ disease ay responsable para sa halos lahat ng mga kaso ng hyperthyroidism sa mga bata. Ang Graves’ disease ay may gawi na maging mas karaniwan sa mga tinedyer kaysa sa mga musmos, at sa pangkalahata’y mas nakaaapekto sa mga batang babae kaysa mga batang lalaki.1

Madalas na mahirap makilala ang Graves’ disease sa mga bata dahil mabagal ang paglaki nito. Gayumpaman, may mga karaniwang tanda at sintomas na maaaring bantayan. Kabilang dito ang:1

Ang paggamot

Ang layon ng paggamot sa mga batang may hyperthyroidism ay upang bawasan ang dami ng thyroid hormone na nasa daluyan ng dugo. Maraming paraan ng paggamot ang mayroon na, ang lahat ng ito’y maiuugnay sa posibleng komplikasyon at kailangang ikonsulta sa doktor.1 Sa mga batang nakaranas ng side effect mula sa mga anti-thyroid na medikasyon, ang operasyon ang maaaring piliing paraan.1 Hindi posibleng gamitin ang radioactive iodine therapy dahil hindi naman nangyayari ang pangmatagalang epekto sa mga bata at tinedyer.1

Kung ikaw ay nag-aalala na ikaw o ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng, o iniinda na ang sakit mula sa, problema sa thyroid, kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas na nararanasan mo at/o ng iyong anak.

  1. Bettendorf M. Thyroid disorders in children from birth to adolescence. Eur J Nucl Med Mol Imaging 2002; 29 (Suppl 2): S439–S446
  2. British Thyroid Foundation. Congenital hypothyroidism. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/leaflets/42-congenital-hypothyroidism-guide. Last accessed February 2022
  3. University of Rochester Medical Center. Acquired hypothyroidism in children. Available at https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=160&contentid=4. Last accessed February 2022
  4. British Thyroid Foundation. Just for Kids. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/for-parents-and-children/115-just-for-kidsLast accessed February 2022

SUBUKAN ANG IYONG KAALAMAN

Alamin kung gaano karami na ang iyong alam tungkol sa mga sakit sa thyroid sa mga bata sa pamamagitan ng pagkuha ng aming maikling  pagsusulit

Subukan na ngayon

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

Mga Bagong Ina

Abril 5th, 2022 | admin |

ANG SAKIT SA THYROID AT MGA BAGONG INA

Ang mga bagong ina na hindi dating nasuri na may sakit sa thyroid ay maaaring magkaroon ng problema sa kanilang thyroid sa loob ng unang taon pagkatapos nilang manganak; ang tawag dito’y postpartum thyroiditis (PPT).1 Maraming sintomas ng kapwa underactive at overactive thyroid ang maaaring bantayan ng mga bagong ina.1


Ang PPT at mga sintomas ng isang underactive thyroid

Tinatayang 25–45% ng kababaihan na nagkaroon ng hypothyroid phase ng PPT ang makararanas ng mga sintomas ng isang underactive thyroid.1 Kabilang dito ang pata, ang pagkawala ng konsentrasyon, kinakapos sa memorya, pagtitibi at posibleng depresyon.1

Ang PPT at mga sintomas ng isang overactive thyroid

Sa pagitan ng 20% at 30% ng kababaihan na nagkaroon ng PPT ang dumaranas ng mga sintomas ng isang overactive thyroid.1 Kabilang dito ang pata, mga palpitation, bawas sa timbang, hindi makatiis sa init, nerbiyos, pagkabalisa at pagkainip.1

Ang hyperthyroidism sa PPT ay karaniwang nangyayari sa unang 6 na buwan pagkatapos isilang ang sanggol (pinakakaraniwan ang 3 buwan) at karaniwang nagtatagal ng 1 at 2 buwan.1 Ang hypothyroidism phase ng PPT ay karaniwang nangyayari sa pagitan ng 3 at 8 buwan (pinakakaraniwan sa 6 na buwan) and karaniwang nagtatagal ng 4 hanggang 6 na buwan.  

Paano ginagamot ang PPT?

Sa pangkalahatan ang PPT ay isang lumilipas at panandaliang kondisyon, at hindi kailangan ang paggamot sa lahat ng kaso.

Ang follow-up para sa kababaihang may PPT

Kahit pa nakatatakot ang isang pagsusuri ng mga problema sa thyroid, sa pangkalahatan ang PPT ay hindi isang pangmatagalan na kondisyon at makikita ng mayorya ng kababaihan na normal na ang estado ng kanilang thyroid gland sa katapusan ng unang taon pagkatapos nilang magsilang ng kanilang sanggol.1 Kung sakaling makaranas ka ng anumang sintomas na nabanggit sa taas, kumonsulta sa iyong doktor.

  1. De Groot L, Abalovich M, Alexander EK et al. Management of thyroid dysfunction during pregnancy and postpartum: an Endocrine Society clinical practice guideline. J Clin Endocrinol Metab 2012; 97: 2543–2565

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

Ang Fertility

Enero 20th, 2022 | admin |

ANG SAKIT SA THYROID DISEASE AT ANG FERTILITY

Nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang mga thyroid hormone, pangunahin na ang mga reproductive na hormone.1 Ang isang normal na thyroid gland o may sapat na pamalit na mga hormone ay mahalaga para sa obulasyon, egg implantation at pagmimintina ng isang malusog na pagbubuntis.1


Tungkol sa mga problema sa thyroid at ang fertility

Habang ang infertility ay maaaring masimulan ng maraming dahilan, ang suboptimal na gamit ng thyroid gland ay maaari ring magresulta sa infertility, lalo na kung ang sakit sa thyroid ay namana sa pamilya.1 Sa sandaling nagamot na ang sakit sa thyroid ay hindi ka na magkakaroon ng problema sa fertility, kung iyong thyroid lamang ang naging dahilan ng iyong infertility.1

Alamin ang totoo

Nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang mga thyroid hormone, pangunahin na ang mga seksuwal na hormone.1 Ang tamang dami ng thyroid hormone ay kailangan para sa normal na paggamit ng testes sa kalalakihan at ng mga obaryo sa kababaihan na siyang kailangan upang makamit ang normal fertility.1 Ang labis (overactive thyroid) o ang kakaunti (underactive thyroid) na dami ng mga hormone na ito’y maaaring makaapekto nang negatibo sa male at female fertility.1 Ang optimal na paggamit ng thyroid gland ay hindi lamang kapakipakinabang sa kalusugan ng mga magulang — ito rin ay mahalaga sa kalusugan ng sanggol.2 Ang suboptimal thyroid na level ay isang sanhi ng mga problema sa fertility, itinataas ang panganib na makunan, premature delivery at ibang komplikasyon, at maaaring makapinsala sa paglaki ng utak sa fetus, na makikita rin sa hypothyroidism.2 Ang male infertility ay iniuugnay sa ikatlong bahagi ng problema ng mga mag-asawa sa pagbubuntis, habang ikatlong bahagi ng mga kaso ang iniuugnay sa mga sanhing pambabae at sa natitirang kaso ay mga isyu na maaaring makita sa kapwa lalaki at babae o sa kawalan ng sanhing makita.3

Kung ikaw ay hindi matagumpay sa pagbubuntis sa mahigit isang taon, kumonsulta sa iyong doktor upang masuri ang iyong thyroid hormone status bago pa simulan ang ibang medikal na mga hakbang.3 Kung ang thyroid ang sanhi ng iyong infertility, ang pagkontrol nito ang maaaring maging susi upang manumbalik ang fertility at mapababa ang panganib ng mga komplikasyon sa kalusugan.1

Sa simula, maaaring makita sa isang simpleng blood test ang dami ng thyroid hormone (thyroxine at triiodothyronine) na inilalabas ng iyong thyroid.4 Agad na masasabi ng iyong doktor kung mayroon kang hypothyroidism o hyperthyroidism.

Ipasuri ang thyroid gland kung:

Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa male fertility

Ang thyroid hormone, na noong una’y inakalang hindi nakaaapekto sa male fertility, ay kinikilala ngayon na may mahalagang papel na ginagampanan, halimbawa, sa produksiyon ng sperm.1 Ang magandang balita: ang pagwasto sa mga sakit na ito ang maaaring magpanumbalik sa fertility ng lalaki.1

Ang overactive thyroid

Kung ang thyroid gland ay gumagawa at nagpapakawala ng labis na thyroid hormone sa daluyan ng dugo’y mayroon kang hyperthyroidism.4 Maaaring magkaroon ng hyperthyroidism ang kalalakihan sa maraming dahilan, kabilang na ang Graves’ disease, labis na medikasyon ng thyroid hormone para gamutin ang hypothyroidism, at ang presensiya ng thyroid nodule o ng isang inflamed thyroid gland (kilala bilang thyroiditis).4 Sa pamamagitan ng pagpapabilis ng metabolismo ng katawan, maaaring magresulta ang hyperthyroidism sa samotsaring sintomas, na ilan ay madalas napagkakamalan bilang simpleng nerbiyos dulot ng stress.4

Kung mayroon kang problema sa fertility at mayroon ka ring ilan sa mga sintomas ng hyperthyroidism (mas malabong magkaroon ka ng lahat ng sintomas) kailangan mong ikonsulta sa iyong doktor ang iyong sakit sa thyroid, lalo na kung may family history ka ng sakit sa thyroid.4

Ang underactive thyroid

Kung hindi sapat ang paggawa ng thyroid hormone ng iyong thyroid gland ay masasabing mayroon ka nang sakit sa thyroid, kilala sa medikal na termino bilang hypothyroidism.5 Ang mga pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism ay kakulangan sa iodine at, kung saan ang kakulangan sa iodine ay hindi karaniwan, Hashimoto’s disease, isang autoimmune na karamdaman na patuloy na sinisira ang thyroid gland.5 Pinababagal ng sakit sa thyroid ang metabolismo. Ang hindi maayos na paggamit ng thyroid ay madalas iniuugnay sa pagbaba ng libido at erectile dysfunction; bukod pa dito, mayroon itong negatibong epekto sa anyo at estruktura ng sperm — ang lahat ng ito’y maaaring magtuloy sa infertility.1

Kung may nararanasan kang problema sa fertility at mayroon ka ring ilan sa mga sintomas ng hypothyroidism ay sabihin agad sa iyong doktor ang mga sintomas.

Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa female fertility

Nakikipag-ugnayan ang thyroid hormone sa mga reproductive hormone ng babae, estrogen at progesterone, upang ipreserba ang normal na paggamit ng mga obaryo  at paglaki ng itlog (oocyte).1 Kung ang iyong thyroid gland ay nagpapakawala ng labis (hyperthyroidism) o kaunti (hypothyroidism) na thyroid hormone maaaring masira ang balanse ng reproductive hormone,1 na ang resulta’y mga problema sa fertility na kaugnay sa thyroid tulad ng sakit sa obulasyon, iregular na regla at bawas na fertility.1 Sa dahilang ang sakit sa thyroid disease ay isang karaniwang sakit sa endocrine sa kababaihang nasa edad na ng pagbubuntis, ang unang dapat gawin kapag may problema na sa pagbubuntis ay ang ipatingin ang iyong thyroid, lalo na kung ang sakit sa thyroid ay namana sa pamilya.4

Ang overactive thyroid

Ang hyperthyroidism ay 10 beses na mas karaniwan sa kababaihan kaysa sa kalalakihan6 at maaaring magdulot sa isang babae ng kahirapan hindi lamang sa pagbubuntis, kundi sa pananatiling buntis.1 Kung ang iyong thyroid gland ay nagpapakawala ng labis na dami ng thyroid hormone sa daluyan ng dugo ikaw ay hyperthyroid.4 Ang pinakakaraniwang dahilan para sa hyperthyroidism sa mga babaeng kabataan ay ang Graves’ disease, isang autoimmune na karamdaman kung saan inaatake ng mga antibody ang thyroid gland, pinasisigla nito ang gland upang gumawa ng labis na thyroid hormone.4 Kung ikaw ay nakararanas ng hindi malusog na pagbawas sa timbang, ito’y maaaring makahadlang sa iyong mga tsansa na magbuntis.3

Kung ang hyperthyroidism ay nasa ugat ng iyong infertility, ang tamang paggamot na may resultang optimal thyroid-stimulating hormone (TSH) level (pinasisigla ng TSH ang thyroid upang gumawa ng thyroid hormone) ay karaniwang isinasaayos ang kaguluhan.1 Kung ikaw ay nasa tamang TSH level ngunit may mga problema ka pa rin sa pagbubuntis kailangan mong kumonsulta sa isang endocrinologist na may espesyalidad sa reproductive disorder. Tingnan din ang www.fertility.com.

Ang underactive thyroid

Kung mayroon kang family history ng sakit sa thyroid o anumang autoimmune na karamdaman ikaw ay may mataas na panganib na magka-hypothyroidism.7 Kung ang iyong thyroid gland ay gunagawa ng kaunting thyroid hormone, ang iyong TSH level ay tataas upang pasiglahin ang thyroid gland na punan ang puwang. Ang mataas na TSH ay naobserbahan sa tinatayang 5% ng mga kaso sa mga buntis na kababaihan.8

Ang kababaihan na may hypothyroid ay maaaring may hindi madalas at magaan na menstrual bleeding, walang menstrual cycle o iregular ang cycle dahil sa mga problema sa obulasyon.1 Ang paglaganap ng autoimmune na karamdaman sa thyroid ay mas mataas sa mga tao na may polycystic ovarian syndrome (PCOS),9 isang kondisyon na nagdudulot ng cyst sa mga obaryo at maaaring magtuloy sa infertility o komplikasyon sa pagbubuntis.10

Ang paggamot sa infertility na kaugnay sa thyroid

Kung mayroon kang hypothyroidism kulang ang ginagawang thyroid hormone ng iyong thyroid gland.7 Kung ito ang kaso, simpleng kailangan mo lamang na kumonsumo ng angkop na medikasyon araw-araw.7 Maaaring ibalik sa normal ng angkop na medikasyon ang iregularidad sa regla ng kababaihan at mga abnormalidad sa sperm at erectile dysfunction sa kalalakihan, at maaaring maibalik ang fertility.1

Kung mayroon kang hyperthyroidism, ang paggamot ay iaayon sa partikular na sanhi at maaaring isama ang medikasyon, radioactive iodine therapy o operasyon.11 Sa kababaihan, ang paggamit ng radioactive iodine na paggamot bago ang pagbubuntis ay karaniwang iniaalis ang pangangailangan pa para sa mga anti-thyroid na droga. Kailangang maghintay ang isang babae ng 4–6 na buwan pagkatapos ng radioactive iodine na paggamot bago pa subukang magbuntis.12 Ang kalalakihan na sumailalim sa radioactive iodine na paggamot ay kailangang maghintay ng 3–4 na buwan bago pa subukang magbuntis ang kanilang esposo.12

Tala: Kung mayroon kang “normal” na paggamit ng thyroid o ang iyong thyroid at TSH level ay naisaayos sa pamamagitan ng paggamot at hindi ka pa rin nagbubuntis, kumonsulta sa isang espesyalista sa fertility para sa kanilang payo at karagdagang paggamot. Tingnan din ang www.fertility.com.

  1. Krassas GE, Poppe K, Glinoer D. Thyroid function and human reproductive health. Endocr Rev 2010; 31: 702–755
  2. American Thyroid Association. Thyroid disease and pregnancy. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-thyroid-disease-pregnancy-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  3. Mayo Clinic. Infertility. Symptoms and causes. Available at http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/infertility/symptoms-causes/dxc-20228738. Last accessed February 2022
  4. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hyper_brochure.pdf. Last accessed February 2022
  5. NHS Choices. Underactive thyroid (hypothyroidism) — causes. Available at http://www.nhs.uk/Conditions/Thyroid-under-active/Pages/Causes.aspx. Last accessed February 2022
  6. Vanderpump MP. The epidemiology of thyroid disease. Br Med Bull 2011; 99: 39–51
  7. American Thyroid Association. Hypothyroidism: a booklet for patients and their families. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/Hypothyroidism_web_booklet.pdf. Last accessed February 2022
  8. Grassi G, Balsamo A, Ansaldi C et al. Thyroid autoimmunity and infertility. Gynecol Endocrinol 2001; 15: 389–396
  9. Poppe K, Velkeniers B, Glinoer D. Thyroid disease and female reproduction. Clin Endocrinol (Oxf) 2007: 66: 309–321.
  10. Hormone Health Network. Polycystic ovary syndrome (PCOS). Available at http://www.hormone.org/diseases-and-conditions/womens-health/polycystic-ovary-syndrome. Last accessed February 2022
  11. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. 2014. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hyperthyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022
  12. Bahn Chair RS, Burch HB, Cooper DS et al. Hyperthyroidism and other causes of thyrotoxicosis: management guidelines of the American Thyroid Association and American Association of Clinical Endocrinologists. Thyroid 2011; 21: 593–646

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

Mga Sakit Kaugnay sa Mood

Enero 20th, 2022 | admin |

ANG SAKIT SA THYROID AT MGA SAKIT KAUGNAY SA MOOD

Madalas na nirereklamo ng mga pasyenteng may sakit sa thyroid na mayroon silang problema sa mood at sa pagtalos/pag-unawa.1 Inilarawan ng manggagamot na si C. H. Parry ang relasyon sa pagitan ng sakit sa thyroid at sakit kaugnay sa mood noon pang 1825.1 


Mga karaniwang sintomas

Ang ilang sintomas ng sakit sa thyroid ay pareho sa mga nakikita sa depresyon o pagkabalisa. Ang mga sintomas na pinakakaraniwang iniuugnay sa hypothyroidism ay ang pagiging malilimutin, pata, pagbagal sa mental na gawain at madaling mawala ang atensiyon at mga mood swing, na ang depresyon ang pinakadominanteng sakit na naranasan.2 Ang pagkabalisa, pagkainip, dysphoria, mga mood swing at kakulangan sa konsentrasyon ang mga karaniwang psychiatric na sintomas na iniuugnay sa hyperthyroidism.1 Ang pagkawala ng libido ay maaari ring iugnay sa hyperthyroidism.3

Alamin ang totoo

Tinatayang 60% ng mga taong may hyperthyroidism ang nagpapakita ng sakit sa pagkabalisa, at 31–69% ang may sakit kaugnay sa depresyon.1 Madalas ding nangyayari ang depresyon sa hypothyroidism, kung saan 40% ng mga pasyente ang nasabing iniinda ang ilang anyo ng sakit na ito.2

Isa sa apat na porsiyento ng mga pasyente na may sakit kaugnay sa mood ang may hypothyroidism, at nangyayari ang subclinical hypothyroidism sa 4–40% ng mga pasyente.1 Ito ang dahilan kung bakit ang American Association of Clinical Endocrinologists at ang American Thyroid Association ay nirekomenda na: “Ang pagsusuri ng subclinical o overt hypothyroidism ay dapat ikonsidera sa bawat pasyenteng may depresyon.”1

Ang paggamot ng mga sakit kaugnay sa mood

Kung mayroon kang hyperthyroidism o hypothyroidism, ikaw ay mas posibleng magkaroon ng pagkabalisa at depresyon.1 Kung ang iyong thyroid gland ay underactive ikaw ay mas madaling makaranas ng depresyon.2 Ang magandang balita, sa karamihan ng mga pasyente, ang mga sakit kaugnay sa mood at mga isyu sa pagtalos/pag-unawa ay nawawala pagkatapos ng matagumpay na paggamot sa sakit sa thyroid.2,4 Kung ikaw ay may hypothyroidism ikaw ay marahil binigyan na ng medikasyon at ilang linggo ang karaniwang kailangan bago manumbalik sa normal ang paggamit ng iyong thyroid.5 Kung ikaw ay may hyperthyroidism ikaw ay maaaring gamutin gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan: mga anti-thyroid na droga, ang radioactive iodine therapy o ang pagtanggal sa bahagi o sa buong thyroid gland.5 Kapag nanumbalik na sa normal ang thyroid hormone level, makikitang naresolba na rin ng karamihan ng mga pasyente ang kanilang pagkabalisa at depresyon.2

  1. Hage MP, Azar ST. The link between thyroid function and depression. J Thyroid Res 2012; 2012: 590648
  2. Heinrich TW, Graham G. Hypothyroidism presenting as psychosis: myxedema madness revisited. Prim Care Companion J Clin Psychiatry 2003; 5: 260–266
  3. Krassas GE, Poppe K, Glinoer D. Thyroid function and human reproductive health. Endocr Rev 2010; 31: 702–75
  4. Bové KB, Watt T, Vogal A et al. Anxiety and depression are more prevalent in patients with Graves’ disease than in patients with nodular goiter. Eur Thyroid J 2014; 3: 173–178
  5. American Thyroid Association. Hyperthyroidism. 2014. Available at http://www.thyroid.org/wp-content/uploads/patients/brochures/ata-hyperthyroidism-brochure.pdf. Last accessed February 2022

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022

Ang pagbubuntis

Enero 4th, 2022 | admin |

ANG SAKIT SA THYROID AT ANG PAGBUBUNTIS

Nagdudulot ang pagbubuntis ng maraming normal na pisyolohiko at hormonal na pagbabago na may epekto sa thyroid gland at maaaring magdulot ng karagdagang pangangailangan ng thyroid hormone.1 Ang sanggol ay nakadepende sa kaniyang ina para sa suplay ng thyroid hormone sa panahon ng pagbubuntis, lalo na sa unang trimester kung kailan hindi pa aktibo ang fetal thyroid.1 Pinakapangunahin na maging maayos ang paggamit ng thyroid gland sa kritikal na panahong ito, at ang mga buntis na ina’y pinapayuhang ipatingin ang kalusugan ng kanilang thyroid sa sandaling matiyak na nilang buntis sila.


Tala: Partikular na importante na ipatingin ang thyroid kung may iniinda ka mula sa endometriosis o polycystic ovary syndrome (PCOS), dahil mas posibleng magkaroon ka ng problema sa thyroid kung may ganito kang kondisyon.2

Ang underactive thyroid at ang pagbubuntis

Kung pababayaan, ang hypothyroidism sa pagbubuntis ay maaaring lubhang delikado. Kritikal ang thyroid hormone sa brain development at maaaring iwanan ang sanggol na nasa panganib ng mga problema sa pagkatuto at paglaki.1

Ang paggamot

Ang paggamot para sa hypothyroidism ay pareho kung ang babae ay buntis man o hindi. Oral na kinokonsumo, ang angkop na medikasyon ay rekomendado sa buong panahon ng pagbubuntis.1 Ang paggamot para sa hypothyroidism habang buntis ay napakaimportante upang magbigay ng proteksiyon sa kapwa ina at sanggol laban sa anumang komplikasyon sa hinaharap. Ang kababaihan na may hypothyroidism bago pa ang kanilang pagbubuntis ay nangangailangan ng mas mataas na dose ng angkop na mediksayon bago pa mabuntis at mas madalas na pag-obserba habang buntis upang seguruhin na tama ang dose ng medikasyon.1

Ang kakulangan sa iodine at ang pagbubuntis

Mahalaga ang iodine para sa produksiyon ng thyroid hormone, at dahil hindi nakagagawa ng iodine ang iyong katawan, dapat itong ikonsumo bilang bahagi ng isang malusog na diet.3 Kahit ang bahagyang kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pagsilang at paglaki ng iyong sanggol, kabilang ang pagiging underactive ng thyroid ng iyong sanggol.1 Rekomendado samakatwid na ang lahat ng buntis at nagpapasusong kababaihan na kumonsumo araw-araw ng nutritional supplement na naglalaman ng iodine.3 Ang kababaihan na maaari nang magbuntis ay kailangan ng katamtamang konsumo ng iodine na 150 micrograms kada araw, na kailangang dagdagan sa tinatayang 250 micrograms habang buntis at sa tinatayang 290 micrograms habang nagpapasuso.3

Ang overactive thyroid at ang pagbubuntis

Ang isang overactive thyroid (hyperthyroidism) sa buntis na mga babae ay dulot, sa karamihang kaso, ng Graves’ disease.1 Ang Graves’ disease ay isang autoimmune na karamdaman na nagdudulot sa thyroid gland na gumawa ng labis na hormone, na nagreresulta sa hyperthyroidism.

Ang kabiguang magamot ang hyperthyroidism habang buntis ay maaaring pataasin ang panganib ng stillbirth, premature birth at child deformities.1

Ang paggamot para sa mga buntis na may hyperthyroidism ay paminsan-minsang magkaiba sa ibinibigay sa ibang kababaihan, dahil ang ilan sa mga medikasyon na magagamit ay maaaring makapinsala sa hindi pa isinisilang na sanggol.1

  1. Poppe K, Velkeniers B, Glinoer D. Thyroid disease and female reproduction. Clin Endocrinol (Oxf) 2007: 66: 309–321.
  2. American Thyroid Association. Thyroid disease and pregnancy. Available at https://www.thyroid.org/thyroid-disease-pregnancy/ Last accessed February 2022
  3. American Thyroid Association. American Thyroid Association (ATA) on the potential risks of excess iodine ingestion and exposure. Available at http://www.thyroid.org/american-thyroid-association-ata-issues-statement-on-the-potential-risks-of-excess-iodine-ingestion-and-exposure/. Last accessed February 2022

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022