Ang Iyong Kalusugan

Ang thyroid gland ay isang maliit na organ, ngunit ito’y may malaking epekto.

Ang pagbubuntis

ANG SAKIT SA THYROID AT ANG PAGBUBUNTIS

Nagdudulot ang pagbubuntis ng maraming normal na pisyolohiko at hormonal na pagbabago na may epekto sa thyroid gland at maaaring magdulot ng karagdagang pangangailangan ng thyroid hormone.1 Ang sanggol ay nakadepende sa kaniyang ina para sa suplay ng thyroid hormone sa panahon ng pagbubuntis, lalo na sa unang trimester kung kailan hindi pa aktibo ang fetal thyroid.1 Pinakapangunahin na maging maayos ang paggamit ng thyroid gland sa kritikal na panahong ito, at ang mga buntis na ina’y pinapayuhang ipatingin ang kalusugan ng kanilang thyroid sa sandaling matiyak na nilang buntis sila.


Tala: Partikular na importante na ipatingin ang thyroid kung may iniinda ka mula sa endometriosis o polycystic ovary syndrome (PCOS), dahil mas posibleng magkaroon ka ng problema sa thyroid kung may ganito kang kondisyon.2

Ang underactive thyroid at ang pagbubuntis

Kung pababayaan, ang hypothyroidism sa pagbubuntis ay maaaring lubhang delikado. Kritikal ang thyroid hormone sa brain development at maaaring iwanan ang sanggol na nasa panganib ng mga problema sa pagkatuto at paglaki.1

Ang paggamot

Ang paggamot para sa hypothyroidism ay pareho kung ang babae ay buntis man o hindi. Oral na kinokonsumo, ang angkop na medikasyon ay rekomendado sa buong panahon ng pagbubuntis.1 Ang paggamot para sa hypothyroidism habang buntis ay napakaimportante upang magbigay ng proteksiyon sa kapwa ina at sanggol laban sa anumang komplikasyon sa hinaharap. Ang kababaihan na may hypothyroidism bago pa ang kanilang pagbubuntis ay nangangailangan ng mas mataas na dose ng angkop na mediksayon bago pa mabuntis at mas madalas na pag-obserba habang buntis upang seguruhin na tama ang dose ng medikasyon.1

Ang kakulangan sa iodine at ang pagbubuntis

Mahalaga ang iodine para sa produksiyon ng thyroid hormone, at dahil hindi nakagagawa ng iodine ang iyong katawan, dapat itong ikonsumo bilang bahagi ng isang malusog na diet.3 Kahit ang bahagyang kakulangan sa iodine habang buntis ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pagsilang at paglaki ng iyong sanggol, kabilang ang pagiging underactive ng thyroid ng iyong sanggol.1 Rekomendado samakatwid na ang lahat ng buntis at nagpapasusong kababaihan na kumonsumo araw-araw ng nutritional supplement na naglalaman ng iodine.3 Ang kababaihan na maaari nang magbuntis ay kailangan ng katamtamang konsumo ng iodine na 150 micrograms kada araw, na kailangang dagdagan sa tinatayang 250 micrograms habang buntis at sa tinatayang 290 micrograms habang nagpapasuso.3

Ang overactive thyroid at ang pagbubuntis

Ang isang overactive thyroid (hyperthyroidism) sa buntis na mga babae ay dulot, sa karamihang kaso, ng Graves’ disease.1 Ang Graves’ disease ay isang autoimmune na karamdaman na nagdudulot sa thyroid gland na gumawa ng labis na hormone, na nagreresulta sa hyperthyroidism.

Ang kabiguang magamot ang hyperthyroidism habang buntis ay maaaring pataasin ang panganib ng stillbirth, premature birth at child deformities.1

Ang paggamot para sa mga buntis na may hyperthyroidism ay paminsan-minsang magkaiba sa ibinibigay sa ibang kababaihan, dahil ang ilan sa mga medikasyon na magagamit ay maaaring makapinsala sa hindi pa isinisilang na sanggol.1

  • Ang kababaihan na may bahagyang hyperthyroidism na walang dinaranas na sintomas ay oobserbahan nang mabuti habang buntis; gayumpaman, hindi pa kailangan ng paggamot kung maayos ang kalagayan ng kapwa ina at sanggol.1
  • Ang kababaihan na may malalang hyperthyroidism na may dinaranas na sintomas ay gagamutin gamit ang anti-thyroid na medikasyon tulad ng methimazole o propylthiouracil. Ang panghuli’y karaniwang pinipiling paggamot sa unang trimester ng pagbubuntis.1
  • Maaaring gamitin ang mga beta-blocker upang tumulong sa paggamot sa mga palpitation at tremor ng puso na iniuugnay sa hyperthyroidism ngunit dapat gamitin nang matipid habang buntis at hanggang sa sandaling makontrol na ang hyperthyroidism gamit ang anti-thyroid na medikasyon.2
  • Sa ilang mga kaso, ooperahan ang isang buntis upang tanggalin ang isang bahagi ng thyroid gland kung siya’y allergic sa isang medikasyon o kung kailangan niya ng matataas na dose na maaaring makapinsala sa sanggol.1
  1. Poppe K, Velkeniers B, Glinoer D. Thyroid disease and female reproduction. Clin Endocrinol (Oxf) 2007: 66: 309–321.
  2. American Thyroid Association. Thyroid disease and pregnancy. Available at https://www.thyroid.org/thyroid-disease-pregnancy/ Last accessed February 2022
  3. American Thyroid Association. American Thyroid Association (ATA) on the potential risks of excess iodine ingestion and exposure. Available at http://www.thyroid.org/american-thyroid-association-ata-issues-statement-on-the-potential-risks-of-excess-iodine-ingestion-and-exposure/. Last accessed February 2022

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022