Ang thyroid gland ay isang maliit na organ, ngunit ito’y may malaking epekto.
Tungkol sa mga problema sa thyroid at ang fertility
Habang ang infertility ay maaaring masimulan ng maraming dahilan, ang suboptimal na gamit ng thyroid gland ay maaari ring magresulta sa infertility, lalo na kung ang sakit sa thyroid ay namana sa pamilya.1 Sa sandaling nagamot na ang sakit sa thyroid ay hindi ka na magkakaroon ng problema sa fertility, kung iyong thyroid lamang ang naging dahilan ng iyong infertility.1
Alamin ang totoo
Nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang mga thyroid hormone, pangunahin na ang mga seksuwal na hormone.1 Ang tamang dami ng thyroid hormone ay kailangan para sa normal na paggamit ng testes sa kalalakihan at ng mga obaryo sa kababaihan na siyang kailangan upang makamit ang normal fertility.1 Ang labis (overactive thyroid) o ang kakaunti (underactive thyroid) na dami ng mga hormone na ito’y maaaring makaapekto nang negatibo sa male at female fertility.1 Ang optimal na paggamit ng thyroid gland ay hindi lamang kapakipakinabang sa kalusugan ng mga magulang — ito rin ay mahalaga sa kalusugan ng sanggol.2 Ang suboptimal thyroid na level ay isang sanhi ng mga problema sa fertility, itinataas ang panganib na makunan, premature delivery at ibang komplikasyon, at maaaring makapinsala sa paglaki ng utak sa fetus, na makikita rin sa hypothyroidism.2 Ang male infertility ay iniuugnay sa ikatlong bahagi ng problema ng mga mag-asawa sa pagbubuntis, habang ikatlong bahagi ng mga kaso ang iniuugnay sa mga sanhing pambabae at sa natitirang kaso ay mga isyu na maaaring makita sa kapwa lalaki at babae o sa kawalan ng sanhing makita.3
Kung ikaw ay hindi matagumpay sa pagbubuntis sa mahigit isang taon, kumonsulta sa iyong doktor upang masuri ang iyong thyroid hormone status bago pa simulan ang ibang medikal na mga hakbang.3 Kung ang thyroid ang sanhi ng iyong infertility, ang pagkontrol nito ang maaaring maging susi upang manumbalik ang fertility at mapababa ang panganib ng mga komplikasyon sa kalusugan.1
Sa simula, maaaring makita sa isang simpleng blood test ang dami ng thyroid hormone (thyroxine at triiodothyronine) na inilalabas ng iyong thyroid.4 Agad na masasabi ng iyong doktor kung mayroon kang hypothyroidism o hyperthyroidism.
Ipasuri ang thyroid gland kung:
Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa male fertility
Ang thyroid hormone, na noong una’y inakalang hindi nakaaapekto sa male fertility, ay kinikilala ngayon na may mahalagang papel na ginagampanan, halimbawa, sa produksiyon ng sperm.1 Ang magandang balita: ang pagwasto sa mga sakit na ito ang maaaring magpanumbalik sa fertility ng lalaki.1
Ang overactive thyroid
Kung ang thyroid gland ay gumagawa at nagpapakawala ng labis na thyroid hormone sa daluyan ng dugo’y mayroon kang hyperthyroidism.4 Maaaring magkaroon ng hyperthyroidism ang kalalakihan sa maraming dahilan, kabilang na ang Graves’ disease, labis na medikasyon ng thyroid hormone para gamutin ang hypothyroidism, at ang presensiya ng thyroid nodule o ng isang inflamed thyroid gland (kilala bilang thyroiditis).4 Sa pamamagitan ng pagpapabilis ng metabolismo ng katawan, maaaring magresulta ang hyperthyroidism sa samotsaring sintomas, na ilan ay madalas napagkakamalan bilang simpleng nerbiyos dulot ng stress.4
Kung mayroon kang problema sa fertility at mayroon ka ring ilan sa mga sintomas ng hyperthyroidism (mas malabong magkaroon ka ng lahat ng sintomas) kailangan mong ikonsulta sa iyong doktor ang iyong sakit sa thyroid, lalo na kung may family history ka ng sakit sa thyroid.4
Ang underactive thyroid
Kung hindi sapat ang paggawa ng thyroid hormone ng iyong thyroid gland ay masasabing mayroon ka nang sakit sa thyroid, kilala sa medikal na termino bilang hypothyroidism.5 Ang mga pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism ay kakulangan sa iodine at, kung saan ang kakulangan sa iodine ay hindi karaniwan, Hashimoto’s disease, isang autoimmune na karamdaman na patuloy na sinisira ang thyroid gland.5 Pinababagal ng sakit sa thyroid ang metabolismo. Ang hindi maayos na paggamit ng thyroid ay madalas iniuugnay sa pagbaba ng libido at erectile dysfunction; bukod pa dito, mayroon itong negatibong epekto sa anyo at estruktura ng sperm — ang lahat ng ito’y maaaring magtuloy sa infertility.1
Kung may nararanasan kang problema sa fertility at mayroon ka ring ilan sa mga sintomas ng hypothyroidism ay sabihin agad sa iyong doktor ang mga sintomas.
Paano nakaaapekto ang thyroid hormone sa female fertility
Nakikipag-ugnayan ang thyroid hormone sa mga reproductive hormone ng babae, estrogen at progesterone, upang ipreserba ang normal na paggamit ng mga obaryo at paglaki ng itlog (oocyte).1 Kung ang iyong thyroid gland ay nagpapakawala ng labis (hyperthyroidism) o kaunti (hypothyroidism) na thyroid hormone maaaring masira ang balanse ng reproductive hormone,1 na ang resulta’y mga problema sa fertility na kaugnay sa thyroid tulad ng sakit sa obulasyon, iregular na regla at bawas na fertility.1 Sa dahilang ang sakit sa thyroid disease ay isang karaniwang sakit sa endocrine sa kababaihang nasa edad na ng pagbubuntis, ang unang dapat gawin kapag may problema na sa pagbubuntis ay ang ipatingin ang iyong thyroid, lalo na kung ang sakit sa thyroid ay namana sa pamilya.4
Ang overactive thyroid
Ang hyperthyroidism ay 10 beses na mas karaniwan sa kababaihan kaysa sa kalalakihan6 at maaaring magdulot sa isang babae ng kahirapan hindi lamang sa pagbubuntis, kundi sa pananatiling buntis.1 Kung ang iyong thyroid gland ay nagpapakawala ng labis na dami ng thyroid hormone sa daluyan ng dugo ikaw ay hyperthyroid.4 Ang pinakakaraniwang dahilan para sa hyperthyroidism sa mga babaeng kabataan ay ang Graves’ disease, isang autoimmune na karamdaman kung saan inaatake ng mga antibody ang thyroid gland, pinasisigla nito ang gland upang gumawa ng labis na thyroid hormone.4 Kung ikaw ay nakararanas ng hindi malusog na pagbawas sa timbang, ito’y maaaring makahadlang sa iyong mga tsansa na magbuntis.3
Kung ang hyperthyroidism ay nasa ugat ng iyong infertility, ang tamang paggamot na may resultang optimal thyroid-stimulating hormone (TSH) level (pinasisigla ng TSH ang thyroid upang gumawa ng thyroid hormone) ay karaniwang isinasaayos ang kaguluhan.1 Kung ikaw ay nasa tamang TSH level ngunit may mga problema ka pa rin sa pagbubuntis kailangan mong kumonsulta sa isang endocrinologist na may espesyalidad sa reproductive disorder. Tingnan din ang www.fertility.com.
Ang underactive thyroid
Kung mayroon kang family history ng sakit sa thyroid o anumang autoimmune na karamdaman ikaw ay may mataas na panganib na magka-hypothyroidism.7 Kung ang iyong thyroid gland ay gunagawa ng kaunting thyroid hormone, ang iyong TSH level ay tataas upang pasiglahin ang thyroid gland na punan ang puwang. Ang mataas na TSH ay naobserbahan sa tinatayang 5% ng mga kaso sa mga buntis na kababaihan.8
Ang kababaihan na may hypothyroid ay maaaring may hindi madalas at magaan na menstrual bleeding, walang menstrual cycle o iregular ang cycle dahil sa mga problema sa obulasyon.1 Ang paglaganap ng autoimmune na karamdaman sa thyroid ay mas mataas sa mga tao na may polycystic ovarian syndrome (PCOS),9 isang kondisyon na nagdudulot ng cyst sa mga obaryo at maaaring magtuloy sa infertility o komplikasyon sa pagbubuntis.10
Ang paggamot sa infertility na kaugnay sa thyroid
Kung mayroon kang hypothyroidism kulang ang ginagawang thyroid hormone ng iyong thyroid gland.7 Kung ito ang kaso, simpleng kailangan mo lamang na kumonsumo ng angkop na medikasyon araw-araw.7 Maaaring ibalik sa normal ng angkop na medikasyon ang iregularidad sa regla ng kababaihan at mga abnormalidad sa sperm at erectile dysfunction sa kalalakihan, at maaaring maibalik ang fertility.1
Kung mayroon kang hyperthyroidism, ang paggamot ay iaayon sa partikular na sanhi at maaaring isama ang medikasyon, radioactive iodine therapy o operasyon.11 Sa kababaihan, ang paggamit ng radioactive iodine na paggamot bago ang pagbubuntis ay karaniwang iniaalis ang pangangailangan pa para sa mga anti-thyroid na droga. Kailangang maghintay ang isang babae ng 4–6 na buwan pagkatapos ng radioactive iodine na paggamot bago pa subukang magbuntis.12 Ang kalalakihan na sumailalim sa radioactive iodine na paggamot ay kailangang maghintay ng 3–4 na buwan bago pa subukang magbuntis ang kanilang esposo.12
Tala: Kung mayroon kang “normal” na paggamit ng thyroid o ang iyong thyroid at TSH level ay naisaayos sa pamamagitan ng paggamot at hindi ka pa rin nagbubuntis, kumonsulta sa isang espesyalista sa fertility para sa kanilang payo at karagdagang paggamot. Tingnan din ang www.fertility.com.
GL-NONE-00102
Date of preparation: February 2022