Ang thyroid gland ay isang maliit na organ, ngunit ito’y may malaking epekto.
Mga karaniwang sintomas
Ang ilang sintomas ng sakit sa thyroid ay pareho sa mga nakikita sa depresyon o pagkabalisa. Ang mga sintomas na pinakakaraniwang iniuugnay sa hypothyroidism ay ang pagiging malilimutin, pata, pagbagal sa mental na gawain at madaling mawala ang atensiyon at mga mood swing, na ang depresyon ang pinakadominanteng sakit na naranasan.2 Ang pagkabalisa, pagkainip, dysphoria, mga mood swing at kakulangan sa konsentrasyon ang mga karaniwang psychiatric na sintomas na iniuugnay sa hyperthyroidism.1 Ang pagkawala ng libido ay maaari ring iugnay sa hyperthyroidism.3
Alamin ang totoo
Tinatayang 60% ng mga taong may hyperthyroidism ang nagpapakita ng sakit sa pagkabalisa, at 31–69% ang may sakit kaugnay sa depresyon.1 Madalas ding nangyayari ang depresyon sa hypothyroidism, kung saan 40% ng mga pasyente ang nasabing iniinda ang ilang anyo ng sakit na ito.2
Isa sa apat na porsiyento ng mga pasyente na may sakit kaugnay sa mood ang may hypothyroidism, at nangyayari ang subclinical hypothyroidism sa 4–40% ng mga pasyente.1 Ito ang dahilan kung bakit ang American Association of Clinical Endocrinologists at ang American Thyroid Association ay nirekomenda na: “Ang pagsusuri ng subclinical o overt hypothyroidism ay dapat ikonsidera sa bawat pasyenteng may depresyon.”1
Ang paggamot ng mga sakit kaugnay sa mood
Kung mayroon kang hyperthyroidism o hypothyroidism, ikaw ay mas posibleng magkaroon ng pagkabalisa at depresyon.1 Kung ang iyong thyroid gland ay underactive ikaw ay mas madaling makaranas ng depresyon.2 Ang magandang balita, sa karamihan ng mga pasyente, ang mga sakit kaugnay sa mood at mga isyu sa pagtalos/pag-unawa ay nawawala pagkatapos ng matagumpay na paggamot sa sakit sa thyroid.2,4 Kung ikaw ay may hypothyroidism ikaw ay marahil binigyan na ng medikasyon at ilang linggo ang karaniwang kailangan bago manumbalik sa normal ang paggamit ng iyong thyroid.5 Kung ikaw ay may hyperthyroidism ikaw ay maaaring gamutin gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan: mga anti-thyroid na droga, ang radioactive iodine therapy o ang pagtanggal sa bahagi o sa buong thyroid gland.5 Kapag nanumbalik na sa normal ang thyroid hormone level, makikitang naresolba na rin ng karamihan ng mga pasyente ang kanilang pagkabalisa at depresyon.2
GL-NONE-00102
Date of preparation: February 2022