Ang thyroid gland ay isang maliit na organ, ngunit ito’y may malaking epekto.
Ang PPT at mga sintomas ng isang underactive thyroid
Tinatayang 25–45% ng kababaihan na nagkaroon ng hypothyroid phase ng PPT ang makararanas ng mga sintomas ng isang underactive thyroid.1 Kabilang dito ang pata, ang pagkawala ng konsentrasyon, kinakapos sa memorya, pagtitibi at posibleng depresyon.1
Ang PPT at mga sintomas ng isang overactive thyroid
Sa pagitan ng 20% at 30% ng kababaihan na nagkaroon ng PPT ang dumaranas ng mga sintomas ng isang overactive thyroid.1 Kabilang dito ang pata, mga palpitation, bawas sa timbang, hindi makatiis sa init, nerbiyos, pagkabalisa at pagkainip.1
Ang hyperthyroidism sa PPT ay karaniwang nangyayari sa unang 6 na buwan pagkatapos isilang ang sanggol (pinakakaraniwan ang 3 buwan) at karaniwang nagtatagal ng 1 at 2 buwan.1 Ang hypothyroidism phase ng PPT ay karaniwang nangyayari sa pagitan ng 3 at 8 buwan (pinakakaraniwan sa 6 na buwan) and karaniwang nagtatagal ng 4 hanggang 6 na buwan.
Paano ginagamot ang PPT?
Sa pangkalahatan ang PPT ay isang lumilipas at panandaliang kondisyon, at hindi kailangan ang paggamot sa lahat ng kaso.
Ang follow-up para sa kababaihang may PPT
Kahit pa nakatatakot ang isang pagsusuri ng mga problema sa thyroid, sa pangkalahatan ang PPT ay hindi isang pangmatagalan na kondisyon at makikita ng mayorya ng kababaihan na normal na ang estado ng kanilang thyroid gland sa katapusan ng unang taon pagkatapos nilang magsilang ng kanilang sanggol.1 Kung sakaling makaranas ka ng anumang sintomas na nabanggit sa taas, kumonsulta sa iyong doktor.
GL-NONE-00102
Date of preparation: February 2022