Ang Iyong Kalusugan

Ang thyroid gland ay isang maliit na organ, ngunit ito’y may malaking epekto.

Para Sa Mga Magulang

ANG SAKIT SA THYROID AT ANG MGA BATA

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng thyroid hormone sa malusog na paglaki at pag-unlad sa panahon ng pagkabata, inaapektuhan ang metabolismo, ang nervous system at ang gawain ng mga organ.1 Samakatwid, napakahalaga na nauunawaan ng mga magulang ang mga tanda at sintomas ng sakit sa thyroid. Importante ring tandaan na mayroong mga paggamot at ang maagang interbensiyon ay makatutulong upang maiwasan ang mga pangmatagalan na isyu o komplikasyon.1

Ang mga batang sinuri na may problema sa thyroid ay kailangan ng suporta ng kanilang mga pamilya upang seguruhin na ikokonsumo nila nang regular ang kanilang medikasyon at upang maunawaan ang kanilang kondisyon. Nirerekomenda rin na ang mga paaralan/nursery ay may alam upang maging malay sila sa pagsusuri ng bata at ang kinakailangang medikasyon.


Kilalanin si Hypo at Hyper, ang mga Paruparong Thyroid

Upang malaman ang mga sintomas na iniuugnay sa hypothyroidism at hyperthyroidism, isiping sila’y mga paruparo, bawat isa’y may sariling personalidad: si Hypo (pinaikli na hypothyroidism) at si Hyper (pinaikli na hyperthyroidism).

Kilalanin si Hypo, ang mabagal at matamlay na paruparo

Si Hypo ay isang bughaw na paruparo. Siya ay mabagal kumilos kumpara sa kaniyang mga kaibigan at hindi siya lumalaki nang kasingbilis. Madalas siyang pagod at minsa’y matamlay. Malamig ang kaniyang balat at mas mabagal ang kaniyang heart rate kumpara sa ibang paruparo.

Kilalanin si Hyper, ang napakaaktibo at di-mapakaling paruparo.

Si Hyper ay payat, napakaaktibo, at malikot na kalimbahing paruparo. Siya ay iritable at madaling uminit ang ulo. Madalas siyang gutom at marami kung kumain, ngunit tuloy pa ring nababawasan ang timbang niya.

Maaari kayang makaranas ng problema sa thyroid ang sanggol ko?

Maaaring makaranas ang mga bata ng problema sa thyroid mula pagkapanganak dahil maaari silang isilang na hindi gumagana nang maayos ang thyroid gland, isang kondisyon na kung tawagin ay congenital hypothyroidism.2 Ang kondisyon na ito’y maaaring mahirap mapansin sa pagkapanganak dahil maaaring wala pang mga sintomas ang mga sanggol, o maaaring may mga bahagyang sintomas lamang na kadalasa’y hindi pinapansin.2

Ano ang kailangan kong bantayan?

Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng congenital hypothyroidism ang:2

  • Matagal na paninilaw ng mata
  • Labis na pagtulog
  • Hindi maayos ang pagkain
  • Hindi masigla ang muscle
  • Pagtitibi
  • Malalamig ang extremity

Upang maiwasan ang mas seryosong epekto ng hindi ginagamot na congenital hypothyroidism – kabilang na ang napinsalang paglago ng utak – rekomendado ang screening para sa bawat sanggol pagkatapos na ipanganak. Ang mainam na oras para sa screening ay karaniwang ilang araw pagkatapos isilang ang sanggol.2 Ang mga batang may congenital hypothyroidism ay ginagamot gamit ang tamang medikasyon na tulad din sa matatanda.2 Ang ganitong paggamot ay maaaring makapagbigay ng kaseguruhang lalaki nang normal ang bata.2

Kung ikaw ay nag-aalala na ikaw o ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng, o iniinda na ang sakit mula sa, problema sa thyroid, kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas na nararanasan mo at/o ng iyong anak.

Ang underactive thyroid gland ng mga bata

Ang pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism na nakukuha sa  isang autoimmune na reaksiyon.3 Hashimoto’s thyroiditis ay isang sanhi ng nakukuhang hypothyroidism kung saan inaatake ng immune system ng katawan ang thyroid gland at sagabal sa produksiyon ng thyroid hormone.4

Ang mga tanda ng hypothyroidism sa mga bata ay maaaring magbago depende sa edad kung kailan nagsimula ang problema:

  • Mga sanggol na may matagal na paninilaw ang mga mata1
  • Ang mga batang mas may edad sa sanggol ay maaaring makaranas ng pagbabansot pagdating sa kanilang buto o ngipin1
  • Ang mga batang pumapasok na sa paaralan ay maaaring makaranas ng paghihirap na matuto at maaaring mahuli ang kanilang puberty1,3

Ang paggamot

Ang layon ng paggamot sa hypothyroidism sa mga bata ay upang palitan ang nawalang thyroid hormone. Ang angkop na medikasyon para sa hypothyroidism sa matatanda ay maaari ring irekomendang gamitin para sa mga bata. Gayumpaman, binabagay ang dami ng gamot sa partikular na timbang at pangangailangan ng bata.1

Kung ikaw ay nag-aalala na ikaw o ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng, o iniinda na ang sakit mula sa, problema sa thyroid, kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas na nararanasan mo at/o ng iyong anak.

Ang overactive thyroid gland sa mga bata

Ang autoimmune na karamdaman na Graves’ disease ay responsable para sa halos lahat ng mga kaso ng hyperthyroidism sa mga bata. Ang Graves’ disease ay may gawi na maging mas karaniwan sa mga tinedyer kaysa sa mga musmos, at sa pangkalahata’y mas nakaaapekto sa mga batang babae kaysa mga batang lalaki.1

Madalas na mahirap makilala ang Graves’ disease sa mga bata dahil mabagal ang paglaki nito. Gayumpaman, may mga karaniwang tanda at sintomas na maaaring bantayan. Kabilang dito ang:1

  • Mga pagbabago sa ugali at sa gawain sa paaralan
  • Hindi makatulog o hindi mapakali
  • Iritable
  • Kailangang bumangon sa gabi upang umihi
  • Lumaking thyroid gland
  • Panginginig ng mga kamay
  • Bahagyang pagtambok ng mga mata
  • Maganang kumain ngunit sabay ang pagbabawas sa timbang
  • Mabilis na heart rate
  • Nerbiyos
  • Diarrhea

Ang paggamot

Ang layon ng paggamot sa mga batang may hyperthyroidism ay upang bawasan ang dami ng thyroid hormone na nasa daluyan ng dugo. Maraming paraan ng paggamot ang mayroon na, ang lahat ng ito’y maiuugnay sa posibleng komplikasyon at kailangang ikonsulta sa doktor.1 Sa mga batang nakaranas ng side effect mula sa mga anti-thyroid na medikasyon, ang operasyon ang maaaring piliing paraan.1 Hindi posibleng gamitin ang radioactive iodine therapy dahil hindi naman nangyayari ang pangmatagalang epekto sa mga bata at tinedyer.1

Kung ikaw ay nag-aalala na ikaw o ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng, o iniinda na ang sakit mula sa, problema sa thyroid, kumonsulta sa iyong doktor. Upang makatulong sa iyong konsultasyon, i-download ang Wellbeing Diary nang masuri ang mga nararanasang sintomas na nararanasan mo at/o ng iyong anak.

  1. Bettendorf M. Thyroid disorders in children from birth to adolescence. Eur J Nucl Med Mol Imaging 2002; 29 (Suppl 2): S439–S446
  2. British Thyroid Foundation. Congenital hypothyroidism. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/leaflets/42-congenital-hypothyroidism-guide. Last accessed February 2022
  3. University of Rochester Medical Center. Acquired hypothyroidism in children. Available at https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=160&contentid=4. Last accessed February 2022
  4. British Thyroid Foundation. Just for Kids. Available at http://www.btf-thyroid.org/information/for-parents-and-children/115-just-for-kidsLast accessed February 2022

SUBUKAN ANG IYONG KAALAMAN

Alamin kung gaano karami na ang iyong alam tungkol sa mga sakit sa thyroid sa mga bata sa pamamagitan ng pagkuha ng aming maikling  pagsusulit

Subukan na ngayon

GL-NONE-00102

Date of preparation: February 2022